Ang grupo ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ay nasa Anchorage, Alaska ngayon para sa Re-Energized concert with Keana Valenciano and Yeng Constantino.
Kuwento sa akin ni Ms. Anna Puno, ang ganda ng tickets sale.
As you read this, nagaganap na ang show nila sa Alaska Center for the Performing Arts (Friday, 6:00 p.m. doon at ngayong 10:00 a.m. naman sa atin).
Kuwento ni Anna, “Maraming mga nag-fly from Kodiak, Juneau at iba pang cities ng Alaska. Excited sila sa show ni Gary dahil minsan lang may mag-show rito.
“Ang sarap din dito sa Anchorage dahil ang lamig. Wala ring traffic. Lahat, malapit, kaya enjoy kami,” sey ng show promoter.
Sa mga kuwentuhan namin ni Anna, puring-puri niya si Gary. Ang galing daw mag-perform ng mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano at pati si Keana, ang galing daw mag-perform.
Si Yeng, sobrang bilib din si Anna, kaya hindi ako magtataka kung isama niya ang Kapamilya singer sa iba pang singers na paborito niya at gawan niya ng another US concert tour next year.
Samantala, wala namang show sa Las Vegas ang Re-Energized dahil may ASAP Natin ‘To in Las Vegas on Nov. 5.
Isa nga si Gary sa inaabangan ng fans sa big show na ‘yon ng TFC (The Filipino Channel).
Bongga! ‘Yun na!
Concert ng Aegis, iniintriga!
Naku, Ateng Salve, dahil back to normal na ang Pinoy shows sa Amerika, kaliwa’t kanan na rin ang intrigahan.
Ang grupo ng Aegis, hindi natuloy sa isang show nila sa may East Coast at kung anu-anong intriga na ang kumakalat.
Ang producer ng Sycuan Casino show nila sa El Cajon (San Diego), California na si Ms. Carnie Bañares, umalma dahil may nagkakalat daw na nagkagulo sa sold out concert na ‘yon.
“May nagkakalat, na pinagbabato raw ng plastic cups ang Aegis habang nagpe-perform sa Sycuan Casino. Of course not! Hindi puwedeng mangyari ‘yon. Maayos na maayos ang show namin. Saka kung pinagbabato sila ng ibang nanood, sa tingin n’yo ba papayagan ‘yon ng mga security ng Sycuan Casino? Siyempre, hindi!
“Maganda ang kinalabasan ng show na ‘yon, kaya huwag sanang gumawa ng intriga ang iba!” madiing pahayag ng concert producer.
Nilinaw rin ni Carnie ang kumakalat na intriga na hindi matutuloy ang Nov. 12 concert ng Aegis sa Aratani Theatre sa downtown Los Angeles.
“Ewan ko kung saan galing ang intrigang ‘yan, pero tuloy na tuloy ang LA show ng Aegis on Nov. 12. Maayos na maayos ang usapan namin ng manager nila. Nakakapagtaka na may nagkakalat ng ganoong balita.”
Nilinaw rin ni Carnie na patuloy ang pagbebenta nila ng tickets at nakabibilib daw talaga ang Aegis dahil ang dami nilang fans.
Wala ring masabi si Carnie sa grupo dahil ang babait daw at very cooperative.
Nakakaloka lang ang mga ganitong klase ng intriga.
So, tigilan na ang pang-iintriga sa Aegis, ‘noh?!