^

PSN Showbiz

Romnick, ‘di basta naniniwala!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Romnick, ‘di basta naniniwala!
Romnick.

Mahigit apat na dekada na sa show business si Romnick Sarmenta. Sa edad na 50 taong gulang ay malaki ang pasasalamat ng aktor dahil aktibo pa rin sa kanyang trabaho.

Matatandaang unang sumikat si Romnick bilang child actor sa Gulong ng Palad noong 1977. “I get to enjoy looking at this work again in a different way. Sa ibang tao, ‘Showbiz ‘yan.’ Pero sa amin, parte ‘to ng buhay namin. Ito ang alam namin, if you put me in any other work, siguro I would feel like fish out of water. Pwede ko pag-aralan, pero hindi siya kasing natural para sa akin na katulad nito. Salamat sa Diyos na nandito pa rin kami. Kung gaano katagal pa siya abutin, salamat ulit,” makahulugang pahayag ni Romnick.

Para sa aktor ay malaki na rin ang pagkakaiba pagdating sa pagtanggap ng mga manonood noon kumpara sa ngayon.

Kadalasan ay agarang nakapagbibigay ng komento ang mga manonood ngayon sa pamamagitan ng social media. Ayon kay Romnick ay hindi naman siya nagpapaapekto kung mayroon mang masamang nasasabi ang netizens tungkol sa kanya. “This day and age, people are just so abrasive with words dahil nakatago sila sa likod ng keyboard, ng gadget, ng screen at wala silang presence o personality na kilala ng madla. So you have to know sino ba ang pakikinggan ko? Ano ba ako? Sino ba ako? ‘Pag na-figure out mo ang sagot sa mga ‘yon, I think you have a better chance of enjoying this work and staying here a little bit longer,” paliwanag niya.

Vivoree, gusto ring makilala bilang singer

Masayang-masaya si Vivoree Esclito dahil naging mainit ang pagtanggap ng mga tagahanga sa kanila ni Elmo Magalona bilang hosts ng PIE Night Long. Parehong mahilig sa musika ang dalawa kaya magkasundung-magkasundo sa naturang programa ng PIE Channel. “Our fans are very supportive of us. They know naman na musically inclined din siya. So talagang nagwo-work ‘yung tandem namin because we both love music. So there’s nothing challenging sa tandem namin,” nakangiting pagbabahagi ni Vivoree.

Umaasa ang dalaga na bukod sa pagiging aktres ay makilala rin siya bilang isang singer. “I came from PBB (Pinoy Big Brother) so hindi ako madaldal at all. Medyo quiet lang ako and observant pero here sa PIE, I’m able to express myself more and mas nasho-showcase dito ‘yung love and appreciation namin for music. First love ko talaga is singing pero I didn’t have the platform or the chance to showcase it to the world. Dito may mga performances kami ni Elmo so I had the chance to show the world that I can sing,” paglalahad ng aktres

Ito ang kauna-unahang beses na naging host si Vivoree ng isang prog­rama. Kung mabibigyan ng pagakataon ay gusto ring masubukan ng aktres na maging host ng Pinoy Big Brother at ASAP Natin ‘To. “Since galing ako sa Pinoy Big Brother, it would be amazing to host PBB one day. Maybe ASAP din, kasi nagpe-perform din ako diyan. Baka naman po,” natatawang pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

ROMNICK SARMENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with