Ilang sikat na content creators at real-life doctors ang mapapanood na rin sa hit medical drama na Abot Kamay Na Pangarap!
Simula bukas, matutunghayan sa series si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok. Mapapanood din soon si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3M followers sa TikTok at 3.3M followers sa Facebook.
Recently nga ay nag-post ang dalawang doktor sa kani-kanilang social media accounts ng selfies kasama ang cast ng programa kabilang ang bida rito na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng youngest doctor sa bansa? Sila ba ay magiging kaaway o kakampi ni Dra. Analyn?
Samantala, talagang marami ang sumusubaybay sa inspiring na kwento ng mag-inang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn dahil mayroon nang 513M views on TikTok ang serye! Mula Oct. 10-17, nananatili rin itong no. 1 Kapuso show sa YouTube with more than 20M views habang more than 300,000 views naman sa website ng GMA Network.
Knowledge Channel, pinagdiwang ang National Teachers’ Month
Sa pagdiriwang ng 2022 National Teachers’ Month, nakiisa ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at celebrity hosts nito na sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa pagbibigay pugay at pasasalamat sa walang pagod na sakripisyo ng mga gurong Pilipino.
Sa isang espesyal na video tribute na inilabas sa social media, binigyang pugay ni Robi na host ng K-12 Math show na MathDali, kung paano mas nagagawang madali at exciting ng mga guro ang pagtuturo sa kabila ng pandemya.
“May pandemya man o wala nagawa ninyong Mathdali at Mathsaya ang aming pag-aaral,” sabi niya.
Inihalintulad naman ni Bianca Gonzalez na host ng TalkEd: Early Childhood Series ang malaking papel ng mga guro bilang katuwang ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak. “Katulad ng mga magulang, kayo (mga guro) ay nagsisilbing ilaw at haligi ng karunungan,” pahayag niya.
Ipinaliwanag ni KCFI president and executive director na si Rina Lopez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng growth mindset sa pag-aaral at edukasyon. Binigyang halaga rin niya ang pagsisikap sa lahat ng bagay na kailangan gawin bilang sekreto sa isang malago at maasensong buhay.
Nag-turn over din ng Portable Media Library (PML) at namahagi ng food packs at smile masks ang KCFI sa mga estudyante ng Cuyambay Elementary School sa Tanay, Rizal katuwang ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya.
Sinundan ito ng isa pang Turnover Event kasama ang Subic EnerZone Corporation na naghandog ng KC PML at Knowledge TV sa Special Education Center for the Gifted (SPED-G) sa Olongapo City.
At sa pakikipagtulungan ng Huawei Technologies at BDO Foundation ay nagsagawa ang KCFI ng 3-day training program para sa 149 public school teachers mula sa 10 paaralan sa Dasmariñas City para mas matulungan ng mga guro at principal ang kanilangmga estudyante ngayong pandemya. ?
At sa pagtatapos ng selebrasyon, inilunsad ng KCFI at Breeze ang EcoProject Year 2: Kilos Kabataan Para sa Kapaligiran campaign sa bagong batch ng 17,000 students, teachers, at parents sa mga paaralan ng Division Office of Taguig City at Pateros.