^

PSN Showbiz

Baby ni Angelica, viral agad ang kakyutan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Baby ni Angelica, viral agad ang kakyutan!
Amila.

Napaka-cute at tisay na tisay ang baby ni Angelica Panganiban at partner niyang si Gregg Homan.

After a month ay ipinakita nga niya ang kanilang baby. “Hello world! It’s been a month mom and dad are finally ready to share me with you. So, here i am”

Excited agad ang showbiz friends ni Angelica na makita in person si Baby Amila.

“Hi little bb! Dahlia and I can’t wait to meet you!!” comment ni Anne Curtis.

Say naman ni Jolina Magdangal : “Juskoday!!!!! Ang nasabi ko pala ay ang pogi pero nasa isip ko ANG GANDA!!!!!! Anyare sakin??? NAMESMERIZE KASI AKO SA MATA E! Graaaaaaay eyes!!!!!!”

“Babygiiiirl so happy naman!!!?,” sabi naman ni Bela Padilla.

Pati sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Ryan Agoncillo at marami pang iba ay hindi napigilang mag-comment dahil sa sobrang kakyutan ng baby ni Angelica.

Kaya, sabog agad ang nasabing photos ng kanilang anak sa social media.

Samantala, maraming namang naiyak sa pasasalamat ni Angelica sa anak : “Pangakong ibibigay ko sayo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.

“Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sayo.

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sayo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.

“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.

“Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pag buo at pag kumpleto mo sakin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak.”

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with