Andrea, may gagawing International project
Isang international project ang ginawa ni Andrea Brillantes kamakailan. Ayon sa aktres ay kailangan itong pakaabangan ng kanyang mga tagahanga dahil ibang-iba ang tema nito kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. “I filmed something in Thailand. I’m proud to be a part of it and I’m so happy to represent our country. Kakaiba, iba po siyang genre sa kinalakihan ko na drama. Hindi siya drama at all. Hindi ako pwede masyadong magsalita about it,” paglalahad ni Andrea.
Bukod sa aktres ay may iba pang artistang Pinoy na nakasama sa bagong international project. “Iba din po ‘yung mga kasama ko dito. Actually, mga Pinoy po kami pero magugulat kayo. Malalaman n’yo soon,” dagdag pa ng dalaga.
Samantala, sa susunod na buwan ay sasabak na rin si Andrea sa pagnenegosyo. Ang dalaga ang magsisilbing CEO o Chief Executive Officer ng kanyang sariling negosyo. “Dream ko talaga ang magka-business for my family. This business that I am launching this November has been in development for so long. And I am so happy that I can finally share it with you all very soon. Hindi ko pwedeng sabihin pero it’s very close to my heart. Isa po ito sa passion ko talaga ever since,” pagtatapos ng aktres.
Winwyn, magkahalong emosyon ang naramdaman nang manalo ng best actress
Halos hindi makapaniwala si Winwyn Marquez sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa katatapos pa lamang na International Film Festival Manhattan 2022 para sa pelikulang Nelia.
Akala raw ng aktres ay binibiro lamang siya ng mga nakausap nang mabalitaan ang tungkol sa naturang award. “Puro nominated lang ako before bilang kontrabida role and then for hosting. Pero hindi pa ako nananalo at all. So no’ng sinabi sa akin, sabi ko, ‘Totoo ba? Jino-joke n’yo ba ako?’ Or parang nominated lang ba pero ‘yon pala oo nga. Hindi pa nagsi-sink in until now. Kaya nga tahimik lang ako at saka parang nagugulat lang ako,” nakangiting kwento ni Winwyn.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez dahil sa nasungkit niyang parangal. “Feeling ko it’s a prank. Parang inaantay ko pa baka kasi mamaya bawiin or something nagkamali. Pero hindi ko ma-explain kung ano ‘yung napi-feel ko kasi nakakatuwa. Shocked na feeling ko hindi ako deserving. Pero siyempre happy ako, very, very happy,” natatawang pahayag ng beauty queen-actress.
Itinuturing daw ni Winwyn na may dalang swerte ang kanyang anak na si Luna. Maraming magagandang bagay ang nangyari sa aktres mula nang magbuntis hanggang mailuwal ang supling. “Noong nakapasok ang Nelia sa MMFF, I was pregnant with Luna. Five months ako no’n. Tapos no’ng lumabas na siya, ang unang work ko pa after I gave birth is ‘yung Ligalig ni Ms. Nora Aunor. Tapos puro award-winning actor pa ang kasama, Allen Dizon, Snooky Serna. And then now, kung kailan siya magsi-six months na biglang may award na best actress. So sabi ko si Luna talaga ang lucky charm ko. Parang lahat ng wish ko nagkatotoo dahil sa kanya,” pagdedetalye niya. (Reports from JCC)
- Latest