‘Mga plastik na tao, mahusay ‘pag kaharap mo!’

Lolit Solis.

Alam mo ba, Salve, na ngayon lang nag-sink in sa akin ‘yung pagtawag nila sa akin na bully?

Parang naapektuhan din ako dahil I want people to remember me with fondness, with a smile on their face ‘pag nawala na ako. Ayoko ng para akong gun moll na kinatakutan, kinainisan, ikinagalit ng sinuman.

Gusto ko na naging fair ako sa dealing ko sa mga nakasama ko, na minahal ako ng mga taong malapit sa akin.

Mayabang ako sa tuwing sinasabi ko na 36 years ang driver ko na si JR na inalis ko lang bilang driver dahil hindi huminto sa pag-inom ng alak, pero binigyan ko ng bahay dahil sa tagal ng serbisyo sa akin.

Ang mga katulong ko sa bahay 36 years na ring kasama ko. Ayokong isipin ng tao na mahilig ako sa away. Confrontational ako dahil hinaharap ko agad ang issues, pero hindi ko inaaway ‘yung tao, nagpapaliwanag lang ako.

Basta gusto kong sabihin na kung ano ang trato mo sa akin, ganun din ako sa iyo. Love me, I will love you more, respect me, I will give it back to you double, quarrel with me, I fight back.

Alam kong tanggapin ang mali ko, alam kong mag-sorry.

Pero aaminin ko rin na ang lakas pala ng disappointment ‘pag nakita mo ang pagiging plastic ng isang tao in action.

Talagang ang tagal ko naka-recover sa discovery na akala mo kung tratuhin kay ay isang kaibigan tapos gusto ka palang dikdikin para magmukhang bully.

Pero ganyan talaga ang buhay, along your journey makikita mo ang tunay na kulay ng tao. Sabi nga nun ni Rudy Fernandez, hindi bale ng bobo iyon kaibigan niya, basta loyal.

Sabagay sabi ko nga, hindi lahat ng nagpapakitang mabait sa iyo, kaibigan mo. Meron pala na lihim na may galit sa iyo.

Ok lang iyon. Ang mahalaga, iyon gusto mong tao, gusto ka rin. Love beget love.

Kung iyon mahal mo traydor pa rin, problema na niya iyon, siya na ang mabigat. Hayaan mo na. Walang problema. Siya na ang merong problema.

Pero ang isang bagay ang gagawin ko para sa mahal ko, take a bullet for them anytime. This is Lolit, the Expelled, hah hah hah.

Show comments