Juliana, mas gustong magtrabaho sa Congress kesa mag-showbiz
At kung ang karamihan sa mga Pilipino ngayon ay adik sa mga Koreanovela o K-pop music, iba naman ang mag-amang Richard Gomez at anak na si Juliana.
Si Juliana ay ang Twenty-Five Twenty-One pa lang ang napapanood na K-drama.
Kuwento ito tungkol sa isang teenager na fencer na ginawa ang lahat para matupad ang pangarap hanggang makilala ang isang lalaking naging inspirasyon niya.
Bida rito sina Na Hee-Do (Kim Tae-Ri) at Back Yi-Jin (Nam Joo-Hyuk). “I was very much into Twenty-Five Twenty-One just because of fencing. Like from a fencer’s perspective, it’s very very realistic down to the actual game itself of how it’s played, the emotions that come with it. True to life talaga.
“It was the only one that I really followed because I don’t watch too much,” kuwento ni Juliana sa amin.
“Crash Landing On You,” hirit ng amang si Richard na katabi niya nang kausapin namin.
“Lucy enjoyed it. I’ve no choice, the TV is on so I have to watch it also.”
“It was nice also. It was very nice. It was different.”
How about K-pop singer / song?
“You know I haven’t had the chance to explore that channel.”
“Sandara Park lang ako,” habol ni Richard na tumatawa.
Actually, bagay na bagay kay Juliana kung sakaling planuhin na magkaroon ito ng local adaptation pero sa ngayon ay walang interes si Juliana sa showbiz.
Bukod sa kanyang pag-aaral sa UP, nagtatrabaho siya sa office ng kanyang amang si Cong. Richard.
Political officer 3 si Juliana sa Congress at kasama sa trabaho niya ang research para sa amang kongresista.
- Latest