Lily, handa na ulit mag-concert!

Lily
STAR/ File

Edgy ang image ng bagong bokalista ng bandang Lily, formerly Callalily, si Joshua Bulot.

Naipakilala na siya few months ago kasabay ng relaunching ng grupo bilang Lily, matapos na umalis ang dati nilang frontman na si Kean Cipriano at nadala ang pangalang Callalily.

Pero naiwan pa rin sa Lily ang natirang band members na sina Lem Belaro, Aaron Ricafrente, Alden Acosta and Nathan Reyes kung saan nagpa-audition sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para makakuha ng bagong frontman, at ito na nga si Joshua.

Hindi na kumbaga bago sa music scene si Joshua.

Sa kolehiyo sa San Beda, itinuloy ni Joshua ang kanyang hilig sa pagkanta nang sumali siya sa glee club.

At nang malapit nang magtapos, sumali siya sa Pop trio na J.B.K.  Naglabas sila ng ilang single at nag-audition pa sa XFactor UK noong 2017. Sila ang unang Pinoy boyband na nag-audition at nag-perform sa harap ni Simon Cowell at ibang mga hurado.

At ngayon handa na siya sa pagsisimula kasama ang grupong Lily at magkakaroon sila ng kanilang kauna-unahang self-titled concert na gaganapin sa Music Museum sa Dec. 2.

Ngayon ay sabik na ulit silang umakyat sa stage, kasama ang bagong boses na magbibigay-buhay sa kanilang well-loved songs and best hits.

“Hindi talaga ako sumusuko when it comes to music. I became a soloist and I composed songs pero nothing was released. Then my friend told me na may audition for Lily. Growing up, I look up to them as one of my favorite bands. I cover their songs when I was still in high school. So I auditioned until I reached the finals. Ngayon kasama ko na sila,” pag-alala ni Joshua nang ipakilala siya formally sa entertainment press last week.

“After the pandemic, doon kami nawalan ng vocalist. Medyo nahirapan kami kasi vocalist ang nawala. So doon na pumasok ‘yung tulong nila at nagkaroon na ng national search,” banggit naman ng kanilang drummer and chief songwriter na si Lem Belaro.

Sinabi rin ng banda na naka-move on na sila sa kung anumang nangyari sa banda nila at kay Kean Cipriano.

Actually ngayon daw ay mas marami pa silang ginawang kanta at tiyak daw na maraming makaka-relate.

Pinasikat nila ang Magbalik, Stars, at Pansamantala, kung inilunsaf nila ang kanilang pinakaunang album, Destination XYZ, noong 2006.

Mula noon, patuloy silang nagbibigay inspirasyon sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang musika.

Ayon naman kay Loie Magan, Lx2 Entertainment’s Chief Executive Officer : “The boys have been waiting for this moment to go back to the stage and just continue doing what they love most. And we are more than pleased that they can get to do the best performances of their lives yet with us.”

Show comments