^

PSN Showbiz

Start-up Ph nakaraos na sa taping, nag-single digit ang rating!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nairaos ng Start-Up Ph ang taping nila. Kaya nagpa-cast party sila nung Martes ng gabi.

Pa-thank you nila ‘yun para sa buong cast at production staff dahil maganda ang feedback sa naturang drama series.

Ilan sa ikinatuwa nila ayon sa nakatsikahan ko sa taga-Start-Up Ph, pinuri raw ng Korean producers ang Pinoy adaptation nito.

Sayang lang dahil hindi gaanong pumapalo sa ratings, pero tiyaga lang daw, alam nilang makukuha nito ang atensyon ng mga manonood.

Nung nakaraang linggo ay nagdu-double digit pa ang rating nito, pero nitong mga huling araw ay medyo bumaba.

Last Monday, Oct. 17 ay naka-9 percent ito.

Siguro kung nilipat ito sa afternoon drama baka mas bongga ‘di ba?

Huwag lang sanang bumitiw at mas dumami pa sana ang tumutok dito para lalo pang tumaas ang rating.

Pero tuluy-tuloy pa rin ito sa GMA Telebabad. Hindi raw totoo ang tsismis ng iba na last two weeks na lang daw ito.

Pinagdiinan nilang hanggang December pa mapapanood ang Start-Up Ph.

Raymond, aminadong ‘di umaarte ang totoong aktor

Dapat na mapanood ng mga bagong artista ang interview ni Korina Sanchez kay Raymond Bagatsing sa programa niyang Korina Interviews sa Net 25.

Magaling na aktor si Raymond at napag-usapan kung paano niya pinaghandaan ang projects na binibigay sa kanya.

Ipinaliwanag ni Raymond kung paano niya pinag-aralan ang character na ginagampanan niya sa isang film project o TV series.

“You really have to study. Anu-ano ang mga methods. Anu-ano ang mga nagagamit mong technique para mailabas mo ang totoo. Kasi ang totoong aktor, hindi umaarte. ‘Yun ang sinasabi na, ‘acting is no acting.’ That’s the hardest thing,” pakli ni Raymond sa interview sa kanya ni Korina.

“You have to get  to know yourself really well para maalam mo kung makakaarte ba ako, totoo ba tong sinabi ko? And throughout the film, dapat consis­tent ka. Kasi ang one sentence mo… one sentence can be okay tapos biglang mamaya may lumabas na insecurity mo, iba ‘yung sinabi mo, hindi pala totoo.

“Marami tayong ganyan e. Psychology. You have to find your own truth. So, it’s a very spiritual process in a way, and very psychological,” dagdag niyang pahayag.

Sana matutunan ito ng mga batang artistang hindi sineser­yoso ang pagpasok nila sa set. Ang iba ay hindi pa pinag-aaralan ang script at ang role na dapat gampanan.

Interesting ang tsikahan nina Korina at Raymond, dahil magkaibigan na sila noon pa. Narinig ko pa nga nun na balak na mag-produce ni Korina ng isang TV show na pagbibidahan ni Raymond.

Isa sa napagkasunduan nila ay pareho silang mahilig sa mga hayop.

Gustung-gusto ni Korina ang mga aso at pusa, at na-in love na siya sa alagang dog ni Raymond na kinuha ng aktor sa isang bundok na inakyat niya.     Kaya inimbitahan na rin tuloy ni Korina si Raymond na sumama sa ikinakampanya niya laban sa dog slaughtering.

“Let me take the opportunity to say, that I’m going to be recruiting Raymond to help me out with this bill in Congress to finally end dog slaughter. In this country, marami pa ring kumakain ng aso. Bawal na po ‘yan. It’s a criminal act. So, dog slaughter, dog meat trade, so inhuman.

“I’m going to be recruiting you. And we’re going to make an appearance in Congress,” sabi niya kay Raymond.

Isa ito sa inaabangan namin tuwing Linggo ng hapon dahil kahit simple lang ang pinag-uusapan ni Korina at ang kanyang guest, napipiga niya at may nakukuha kang kuwento sa taong kausap niya.

START-UP PH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with