^

PSN Showbiz

Barbie, underrated!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Barbie, underrated!
Barbie
STAR/ File

Tahimik lang si Barbie Forteza, kaya kung sabihin nga ay underrated siya bilang isang aktres, pero hindi ninyo maikakaila na lahat halos ay naniniwalang isa siyang magaling na artista.

Bata pa naman si Barbie talagang magaling na, at kung iyan nga lang ang siyang sinusugalan nila nang husto, malamang na siya ang maging pinakamalaking asset ng kanilang network.

Ngayon lang, iyong tumatakbo niyang serye na panlaban sa primetime, dahil ang crucial time naman talaga riyan ay ang unang paglabas pagkatapos ng news, dahil iyong mga susunod diyan nakikinabang na sa mga naunang serye.

May tatalo ba sa serye ni Barbie? At iyan ang ratings na pinaniniwalaan namin, dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, naririnig naming iyong serye nila ang pinag-uusapan ng mga tao sa kinakainan namin ng tanghali. Sa gabi naman, nawawala ang mga tao at basta tinanong mo kung saan sila galing, sasabihin nilang pinanood nila iyong “drama ni Barbie” at kung ano iyong napanood nila, iyon pa ang kanilang pinagkukuwentuhan.

Sa totoo lang, ang natatandaan lang namin na ganyang TV drama, iyong original na Marimar na inilalabas pa noon ng RPN. Pagkatapos noon, dumami na ang drama at wala na ngang napag-usapan. Parang ngayon nga lang nabuhay na muli ang drama audience. At kung kami ang tatanungin, ang magkalaban ngayon ay parehong nasa GMA 7, sina Barbie Forteza at si Sanya Lopez.

Wedding ring ni Julia, mas inaabangan

Pinag-uusapan nila ang isang diamond ring na suot daw ni Julia Montes na napansin nila sa isang video na ini-upload sa social media. Ang sinasabi nila, “mukhang iyon na ang engagement ring nila ni Coco (Martin).” Pero ano? Engagement ring pa lang?

Wala pa silang inaaming tunay na estado ng kanilang relasyon pero hindi naman ninyo kami mapaniniwala na hanggang ngayon “friends” lang sila. Hindi na engagement ring ang dapat hintayin, wedding ring na. After all wala silang inaamin, pero wala rin naman silang ikinakaila tungkol sa mga usapan sa kanilang tunay na relasyon.

Direktor, natauhan sa abusadong pamemera ng newcomer

Nagkamali si newcomer. Akala niya talagang dead na dead na sa kanya si direk. Hindi lang inaayos noon para magkaroon siya ng career, tala­gang dinadatungan siya nang husto kapalit ng alam na ninyo kung ano.

Pero nagkamali ang bagets, umabuso siya sa paghingi ng datung kay direk. Natauhan si direk na nagmumukha na siyang ATM machine, na puro withdraw, wala namang deposito.

Basta isang araw, may date raw sana sina direk at ang bagets, pero nakatanggap na lang si bagets ng text message na “cancelled ang lakad ngayon,” mula kay direk. At magmula noon hindi na siya tinawagan ni direk.

Ang sabi ni direk, “nakahalata na akong pineperahan ako, ok lang iyon pero umabot na sa sobra eh, kaya putulin na. After all ang daming poging bagets sa isang watering hole, mga totoo pang lalaki,” sabi ni direk.

BARBIE FORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with