'Frustrated lang ako': Jinggoy Estrada naglinaw sa sinabing dapat i-ban K-Drama

MANILA, Philippines — Naglinaw ang isang senador tungkol sa isang kontrobersyal na pahayag kung saan pinag-iisipan niyang ipagbawal na ang Korean dramas sa Pilipinas — hakbang na pwede raw makatulong sa local showbiz industry.

Martes nang sabihin ni Sen. Jinggoy Estrada ang naturang statement habang nasa pagdinig ng 2023 budget para sa Film Development Council of the Philippines, lalo na't marami raw ang nawawalan ng trabaho sa pagsuporta ng mga Pinoy sa mga dayuhang palabas.

"[M]y statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public," ani Jinggoy sa Facebook, Miyerkules.

"I wish that the zealousness of our kababayans in patronizing foreign artists can be replicated to support our homegrown talents who I strongly believe are likewise world-class."

"I have nothing against South Korea's successes in the entertainment field and admittedly, we have much to learn from them."

 

 

Nagdulot ng matinding backlash ang ebas ni Jinggoy sa social media, lalo na mula sa mga mahihilig manuod ng mga naturang palabas.

Maging ang dating commissioner ng Commission on Elections na si Rowena Guanzon ay pumalag sa sinabi ni Jinggoy, na patuloy humaharap sa mga kaso patungkol sa pork barrel scam, lalo na't mahilig din siya K-dramas.

"What? ban  Korean telserye? Aba marami kayong kaaway dyan, pati ako. The Extraordinary Atty Woo is my fave," ani Guanzon, na kilalang isang abogado.

Kapansin-pansing madalas manguna sa Philipines "top 10" ng mga streaming services gaya ng Netflix ang mga palabas galing sa South Korea, patunay na niyakap na ng mga Pinoy nang husto ang kanilang mga gawa.

"Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, ang mga pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino," dagdag pa ni Estrada.

"South Korea’s phenomenal success is rooted in their love of country. It is high time that we follow their example and do the same for our own entertainment industry that is at best, barely surviving."

Pag-regula sa 'imported' culture

Meron nang ilang mga measures na ginagawa ang gobyerno upang maprotektahan ang mga lokal na gawang sining ng mga Pilipino, gaya na lang ng Executive Order No. 255 na inilabas noong 1987 na nag-uutos sa mga himpilan ng radyong mag-broadcast ng hindi bababa sa apat na original Filipino musical compositions kada oras.

Wala itong ipinapataw na anumang ban laban sa mga dayuhang awitin sa radyo. Sa kabila nito, hindi ito naipapatupad nang maayos lalo na't P100 lang ang multa para rito.

Sa kabila ng lahat nito, kapansin-pansing mas marami 'di hamak ang mga pelikulang gawa sa ibang bansa na ipinapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas maliban tuwing Metro Manila Film Festival tuwing Disyembre.

Si Estrada, katulad ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, ay pare-parehong mga aktor bago pumasok sa pulitika.

Show comments