^

PSN Showbiz

Heart, may basbas na ang pagkumpirma sa hiwalayan nila ni Chiz

ISYU AT BANAT! - Ed De Delon - Pilipino Star Ngayon

Bagama’t noong isang linggo pa kami binubulungan, iginigiit naming hindi maaaring sabihing hiwalay na ang aktres na si Heart Evangelista at si Senador Chiz Escudero hanggang walang opisyal na announcement mula sa kanila mismo.

Pero ngayon may matitibay na sources na nagsabing hiwalay na nga ang dalawa, dinugtungan pang may pahintulot na mismo si Heart sa malalapit niyang kaibigan na nakakaalam ng tunay na sitwasyon niya na kumpirmahin na ang mga kuwento ng hiwalayan.

Ganoon pa man, walang sinabing dahilan ng hiwalayan.

Ang totoo, nanghihinayang kami sa kanilang relasyon.

Masasabing halos dumaan sa butas ng karayom ang kanilang pag-iibigan.

Tinatanggihan ng mga magulang ni Heart noon si Chiz, pero ipinakipag­laban siya ni Heart at nagpakasal sila nang walang basbas ng mga magulang ng Heart, pero gaya ng paniniwala ni Heart darating ang isang araw na mapapatawad din sila ng mga magulang niya, at makakasundo ng mga iyon si Chiz, na nangyari naman. Kung kailan naman nagkakasundu-sundo na ang lahat at saka nagkaroon ng mga problema ang kanilang pagsasama.

May mga ispekulasyon na nagsimula ang lahat dahil sa kani-kanilang career.

Naging gobernador sa Sorsogon si Chiz at kailangang mamalagi roon. Kasabay naman noon ay nagdatingan ang offers kay Heart bilang artist at model sa abroad, na talaga namang napakahirap na palampasin. Pero sinasabi ngang dahil sa mga bagay na iyon ay nagkalayo sila nang todo na siyang pinagmulan ng kanilang problema na nauwi nga sa kanilang paghihiwalay.

Nakakalungkot at kahit na nga sinasabing pinakukumpirma na ni Heart ang kuwento, hanggang hindi siya mismo ang gumagawa ng kumpirmasyon, marami pa rin silang mga kaibigang umaasa magkakasundo pa ang dalawa.

Tom, papasukin ang healthcare business

May balak daw itayong healthcare business si Tom Rodriguez sa US. Alam naman ninyo ang mga Kano, talagang mas mahilig sila sa healthcare at nakita nga siguro ni Tom ang potential ng ganoong negosyo. Pero ang ibig sabihin noon, mukhang magtatagal pa bago niya maisipang magbalik sa Pilipinas.

Nakakahinayang din si Tom. Malakas ang kanyang following, may fans siyang naghihintay sa kanya. Si Tom din iyong tanggap ng audience anumang role ang kanyang gampanan. Hindi nga rin natin maikakaila na hanggang ngayon, tila isang matinee idol pa rin ang tingin ng fans sa kanya.

Female star, napagkamalang bading sa suot na gown

Pinag-uusapan ang isang female star na “tila isang suman” sa kanyang suot na gown.

Noong una nga naming makita ang picture na iyon hindi namin pinansin eh. Hindi namin nakilala ang female star. Ang akala namin picture iyon sa isang gay beauty contest dahil sa hitsura.

Noon na lang may isang fotog na nag-send sa amin ng kopya noon at nagtatanong ng aming opinion at saka namin napansing ang female star pala iyon.

Honestly, ang akala namin ay gay na nakadamit babae lang.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with