^

PSN Showbiz

Matapos maging ok ang hitsura... Tom Rodriguez, babalik na sa Pilipinas

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Matapos maging ok ang hitsura... Tom Rodriguez, babalik na sa Pilipinas
Tom Rodriguez

Si Tom Rodriguez sa Philippine Fashion & Cultural Expo event noong Sunday sa Carson Civic Center sa Carson, California ng Fil-Am fashion designer na si Ms. Lou Razon.

Special guest ang Kapuso actor sa show segment ni Ai Ai delas Alas sa nasabing expo at in fairness, pinagkaguluhan sina Tom at Ai Ai.

Magaling palang kumanta si Tom at bukod sa solo song numbers niya, nag-duet din sila ng Comedy Concert Queen.

Masaya ang audience dahil bumaba pa ng stage si Tom at nakipag-picture-picture sa Pinoy fans na nagpunta sa event na ‘yon.

May pa-meet & greet din after at game na game sina Tom at Ai Ai sa pakikipagchikahan sa mga kababayan natin. Ang saya ng nasabing event at wala talagang kupas ang Kapuso comedienne.

Anyway, bago pa nag-start ang kanilang show ay nakachikahan na namin sa backstage si Tom.

Nang makita niya kami ay tuwang-tuwa siya na yumakap at nangumusta.

Sabi ko nga kay Tom, nabanggit ng manager niyang si Popoy (Caritativo) sa akin, i-hug ko siya sa aktor. Tama ang kutob ko na kapag nakita ako ni Tom ay matutuwa at hindi siya iiwas.

Siyempre, sa chikahan naming dalawa, hindi ko na siya tinanong pa tungkol sa ex-wife niyang si Carla Abellana. Kinumusta ko na lang ang kalagayan niya.

“Okey naman ako. Heto, nagkakalaman na. Nagbi-build na uli ang muscles ko,” sey niya at saka pinahipo sa amin ang muscles sa kanyang arms.

Dumating pala sa punto na sobrang pumayat si Tom, pero okey na nga siya ngayon. Okey na raw ang kanyang hitsura at nadagdagan na ang kanyang timbang.

Galing sa Las Vegas, Nevada si Tom bago nagpunta ng Los Angeles, California. Kasama raw niya roon ang kanyang mga kamag-anak. Bale nagpapabalik-balik daw siya sa Arizona at sa Las Vegas nga.

And yes, very soon ay may ia-announce na comeback project sa GMA 7 si Tom, kaya dapat daw abangan ‘yon!

Bongga!

Shido Roxas, panay ang biyahe

Alam mo, Ateng Salve, what a small world talaga. Si Shido Roxas na alaga ng talent manager na si Leo Dominguez ay nakita rin namin sa nasabing event.

Nang paalis ang aktor ng ‘Pinas, nagsabi siya sa akin na magkita kami sa LA, pero nagkagulatan kami nang hindi sinasadyang nagkita kami sa nasabing expo.

Mahilig mag-travel si Shido at nang mas madali na ngang bumiyahe dahil hindi na ganoon kalala ang COVID-19, nag-travel na sila ng kanyang relatives sa Dubai, United Arab Amirates, at sa iba’t ibang lugar sa Europe.

Ngayon nga ay nasa Amerika naman sila.

Sanay mag-abroad si Shido dahil nag-aral siya noon sa Japan.

Anyway, part si Shido ng pelikulang Nelia na pinagbidahan ni Winwyn Marquez. Nanalong best actress si Winwyn sa 12th International Film Festival Manhattan para sa nasabing pelikula, kaya happy si Shido para sa kanya dahil talaga naman daw ang galing ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa pelikulang ‘yon.

‘Yun na!

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with