Naaalala niyo ba si 'Hopia' ng 'Goin' Bulilit'? Magiging mommy na siya ngayon

Litrato nina Trina "Hopia" Legaspi at asawang si Ryan Jarina habang inaanunsyo na paparating na ang kanilang baby, ika-16 ng Oktubre, 2022
Mula sa Instagram account ni Trina Legaspi

MANILA, Philippines — Hindi na talaga bulilit ang dating child star na si Trina Legaspi (mas kilala bilang "Hopia") matapos niyang ihayag sa publikong magiging mommy na siya ng baby nila ng non-showbiz hubby na si Ryan Jarina.

Masayang ibinalita ni Hopia ang balita patungkol sa kanyang pagdadalang-tao, Linggo, habang ipinasisilip ang ilang photo shoot kung saan halata na ang kanyang baby bump.

"From all the nanay roles to becoming a real life mother!" sabi niya kahapon kalakip ng ilang litrato.

"Can’t wait to see you our little 'Hopia Jarina.' Boy or Girl? What do you think? Naiiyak me while typing this!"

Aniya, hindi na raw ito prank at real na real na.

Matatandaang lumagay na sila sa tamik ng asawang si Ryan noon pang Nobyembre 2021.

Marami na sa mga naging cast members ng sikat na children's comedy show ang tuloy-tuloy na sa pagharap sa buhay ng mga nasa wastong gulang, kasama na riyan sina Cavite Councilor Nash Aguas at TV host-actress na si Miles Ocampo.

— James Relativo

Show comments