^

PSN Showbiz

Dominic, nakikita na ang future kay Bea!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dominic, nakikita na ang future kay Bea!
Dominic at Bea
STAR/ File

Ngayong araw ay ipinag­diriwang ni Bea Alonzo ang kanyang ika-tatlumpu’t limang kaarawan. Mayroong kahili­ngan ang kasintahang si Dominic Roque para sa aktres. “Wish ko sa kanya to have a better health. Kasi lahat naman tayo hindi makakakilos kapag hindi maganda (ang kalusugan). Sa families namin, masaya kami palagi,” bungad ni Dominic.

Magdadalawang taon nang magkasintahan sina Bea at Dominic. Napag-uusapan na kaya ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal? “We’re super okay and we see the future together. So I think maganda and we’re happy,” makahulugang sagot ng aktor.

Ayon kay Dominic ay talagang magkasundung-magkasundo sila ni Bea sa lahat ng bagay. Hindi rin daw hadlang ang pagiging sikat ng aktres sa kanilang relasyon. “Hindi naman porke’t superstar si Bea, mahirap nang maging karelasyon. Kailangan lang naming hanapin ‘yung zen namin together para maging okay kami. So far, okay kami,” giit ng binata.

Gretchen, nilabas ang pagiging galawgaw

Masayang-masaya si Gretchen Fullido dahil naging isa sa mga host ng Barangay PIE Silog. Gabi-gabing napapanood ang TV host sa Star Patrol segment ng TV Patrol at nga naman ay tuwing umaga mapapanood sa PIE Channel. Mas maipamamalas daw ni Gretchen sa mga manonood ang kanyang pagpapatawa ngayon. “I’m very honored to be part of Barangay PIE Silog. First time kong makasama sa isang show na ganito. From TV Patrol na nakikita n’yo, dito nakakatawa ako with my katro-PIE. Masaya, kumakanta ako, sumasayaw minsan. Ang handog namin ay practical public service, meron kaming mga job offerings. It’s like a bulletin na pwede lahat ng kailangan n’yo malaman. Lahat ‘yan nasa morning show namin na brunch and early lunch mapapanood n’yo,” pagdedetalye ni Gretchen.

Mahigit isang dekada nang napapanood sa TV Patrol ang dalaga. Para kay Gretchen ay mas mabuti ngayon na mayroon siyang ibang ginagawa at hindi puro lamang ang kanyang nakasanayan na. “Sa November magtu-twelve years na ako as Star Patroller and hindi ko talaga nagagawa ‘yung real self ko which is mabungisngis talaga akong tao. And dito sa PIE, dito lumabas ‘yon. Even nong first time pa lang mag-script reading to practice, automatic na eh. I felt at home talaga. Kaya ngayon ‘pag sa TV Patrol, do’n ako nagko-control. Huwag kang galawgaw sabi ko kasi galawgaw ako. Sa Patrol daw stiff ako pero dito naman ang likot-likot ko. I’m just really having so much fun,” natatawang pahayag ng TV host.

Nakahanda na rin umano si Gretchen na makaranas ng online bashing dahil sa bago niyang programa. Wala namang problema sa dalaga kung makatanggap man ng mga negatibong salita mula sa netizens. “Honestly, wala pa akong nakikita na bina-bash ako. I think natutuwa sila sa mga kalokohan dito. Kung meron man siguro, I would take it with a grain of salt. Kung meron silang criticism I would take it openly because I know they mean well and babasahin ko ‘yung mga sinasabi nila and maybe if it’s for my improvement then I will welcome it. ‘Yung wala naman sensor gusto lang mang-bash, ayoko ng negativity at drama sa life eh. So hindi ko na pinapansin ‘yon. Always good vibes sa umaga. Gusto lang naming makapaghatid ng saya at ligaya araw-araw,” pagtatapos ng TV host. (Reports from JCC)

DOMINIC ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with