Sequel ng Maid... murderer or martyr, kumpirmado na!

Imee
STAR/ File

Handa na ang sequel ng pelikulang Maid in Malacañang na masasabing nag-iisang local movie na pumatok sa takilya this year (though baka may chance pa ang mga pelikulang ipalalabas sa Metro Manila Film Festival sa December.)

Pero si Direk Darryl Yap ang tinuturo ni Sen. Imee Marcos para sa detalye nito nang tanungin namin tungkol dito.

Murderer or Martyr nga ang sinasabing title ng sequel ng MIM pero wala pang sinasabi kung sino ang mga magiging bida.

Nagpasalamat naman ang senadora sa overwhelming na suporta sa Maid in Malacañang na naka-focus kumbaga ang story sa kanya na ginampanan ni Cristine Reyes. “Well, nagulat talaga kami because more important than the success of the film, although it’s a wonderful surprise, is the fact that we forced open virtually all the theaters,”  saad niya sa Pandesal Forum noong Biyernes, sa Kamuning Bakery, Judge Jimenez St., QC.

“Many, many of the theaters. Hindi naman lahat pero halos lahat, malapit-lapit na, and natutuwa ako dun sa suporta at ‘yung pagbalik ng mga manonood sa sinehan.

“Sa wakas, nagbalikan na. At least, mukhang hindi na tayo takot at ‘yung sinasabing pandemic, endemic na nga talaga.

“Dahil nagpuntahan, nagbalikan na ‘yung tao sa sinehan. So it’s possible, we can start making movies again.

“The other thing is, with this film, I realized that the real issue in the creative industry will be... ahh not the production so much as the distribution.

“Distribution has become a challenge in the creative industry lalo na sa sine dahil nga eto ang problema ng pandemic at ‘yung ating mga teatro.

“Mabuti na lang, napakaraming iba’t ibang mga channels, mga platforms. Platforms online, streaming services, pay-per-view and so on and so forth.

“And I’m hopeful that this will continue for many other films. So tuwang-tuwa ako,” buong pahayag ng senadora.

Show comments