‘Takot ako…’
Ewan ko kung bakit very busy ang kapwa ko talent manager na si Dolor Guevarra na i-forward ang teaser ng sinasabing no-holds-barred interview ng isa pang talent manager na si Shirley Kuan. Meron siyang pinadalhan na nagtataka kung bakit nag-forward sa kanya si Dolor ng video ni Shirley, hah hah hah.
Sayang dahil hindi ko talaga naintindihan dahil sa British twang ni Shirley sa pagsasalita ng English, eh barriotic ako at walang alam sa English language.
Baka naman malaki ang budget sa publicity, abutin ng P150K at itatanong na naman ni Gretchen Barretto kung saan galing, at ipabalik kay Atong Ang, hah hah hah.
Naku, ewan ko ba bakit nila ako binu-bully, may sakit na nga ako at matanda na, inaapi pa rin nila. Mahusay at sikat na sikat na managers sina Shirley at Dolor, hanga ako sa kanila, bongga sila dahil mga super mega sikat ang talents nila, eh mga pipitsugin ang akin, heh heh.
Saka scared talaga ako kina Shirley at Dolor dahil bongga sila, takot ako.
Saka hindi ako bully noh, ako nga binu-bully nila, hah hah.
Hay naku, takot ako, galit si Shirley sa akin, tapos kampi pa sila ni Dolor at may budget sila na P150K, anong laban ko?
Buti na lang binawi ni Gretchen, kundi lalo na akong talo, hah hah. Sa akin na binigay ni Gretchen ang P100K hinatid ni Ana Abiera sa dialysis session ko, hah hah.
Kaloka talaga na hanggang ngayon nagugulo pa rin sila sa akin.
Bakit ganito, lagi na lang akong api at binu-bully, mabait naman ako at masunurin, duwag at takot, lagi na lang akong inaapi, huh huh, buti na lang meron akong Gorgy at Salve. Kundi lang, sa takot ko kina Shirley at Dolor, baka mag-migrate na ako sa Ukraine, hah hah hah.
Kaloka...
- Latest