^

PSN Showbiz

Pinoy actor na sumikat sa Indonesia, magkukuwento sa #MPK

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pinoy actor na sumikat sa Indonesia, magkukuwento sa #MPK
Leo Consul

Inspiring na rags-to-riches story ang  mapapanood ngayong gabi sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman (#MPK).

Ito ay ang buhay ni Leo Consul, isang Pinoy na pinalad maging sikat na artista sa Indonesia.

Bata pa lang si Leo, pangarap na niyang iangat ang pamilya mula sa kahirapan. Kaya naman nag-aaral siyang mabuti at matututong magtrabaho nang maaga para sa pamilya.

Pero isang sikreto pala ang babago sa buhay ni Leo.

Ano kaya ito?

Bagama’t bukod dito, may mga iba pang pagdaraanan ni Leo bago makamit ang inaasam na tagumpay sa ibang bansa.

Tutukan ang kanyang kuwento na pinamagatang Small Boy, Big Dreams: The Leo Consul Story, Oct.15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman o #MPK sa GMA kung saan gaganap si Bruce Roeland bilang si Leo, at Raphael Landicho bilang batang Leo, at sina Gary Estrada bilang Erning, Seth dela Cruz bilang Adonis, Angelica Ulip bilang Grace at si Ms. Lotlot de Leon bilang Mila na siyang mga bumubuo ng pamilya ni Leo.

Ito ay sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

vuukle comment

LEO CONSUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with