Kim, ‘di nagpatalo sa mga beauty queen!
Nakipagsabayan sa mga beauty queen si Kim Chiu.
Yup, ‘di ito nagpakabog sa pagandahan ng buhok.
Nakasama ni Kim ang mga beauty pageant titleholders na sina Miss World PH 2021 Tracy Maureen Perez at Miss Hispanoamericano PH 2022 Ingrid Santamaria sa naganap na intimate media sa launch ng Lifestrong Hairfix na kanilang sikreto upang makuha ang perpektong kulot at tuwid na buhok.
Para kay Kim, importante na pangalagaan ang crowning glory sa anumang okasyon, anumang oras at kahit saan man.
Isa rin sa highlight ng launch ay ang personal na pagtanggap ng plaque ni Kim at Lifestrong executives na sina General Manager Ms. Marge Lee at Mr. Lance Lee, president, mula sa European Hair Factory at Philippine General Hospital para sa kanilang hair donation drive sa cancer patients.
“Gusto talaga ng Lifestrong and ni Ms. Marge na magkaroon ng magandang hair ang lahat. And of course, ang mga cancer patient hindi talaga maiiwasan na magkaroon sila ng hair loss at mawalan sila ng confidence sa sarili nila na ‘Wala na kaming hair kaya hindi na kami lalabas ng bahay,’” ayon kay Kim.
Dagdag niya, “I’m very happy kasi hindi lang siya nagpapaganda ng hair ko kasi nagbibigay rin siya ng hope for the cancer patients.”
Aniya, hindi kinakailangan ng mamahaling solusyon para sa iba’t ibang mga problema ng buhok.
Hatid ng Lifestrong Hairfix ang kumpletong Do-It-Yourself solution na tutugon sa bawat pangangailangan ng buhok mula sa mga hair essential hair treatment, hair color, hairstyling, at general items na pwedeng gamitin sa bahay at hindi na kailangan pang gumastos ng mahal sa salon.
“In creating personal care products, we have always looked at creating items that empower Filipinos. But it doesn’t end there, we want our items to be accessible to many anytime anywhere. We know that times are hard and that the pandemic has changed the game for everyone including taking care of themselves. Such is the concept behind our DIY Hairfix products,” saad pa ni Margaret Lee.
Posible na nga ang confidence at achieve ang laging healthy hair sa anumang oras ng araw sa lahat kahit ano pa ang iyong edad, kasarian, at income sa buhay.
- Latest