Presscon dos and don’ts

Parte na ng pang-araw na araw na gawain ng isang reporter (pang-showbiz man o pang-pulitika) ang pag-attend ng mga press conference o mga presscon, kadalasan sa isang restaurant o hotel (basta ‘yung may pa-buffet!) Importante rin naman ‘yan kasi iba pa rin ‘yung nakakausap mo ng harapan ang may isyu (or gumagawa ng isyu!) o simpleng updates lang sa anong ganap. (kung relevant pa ba ito o hindi na!) Kaya nga nung kasagsagan ng pandemya, nauso pa ang virtual or online press/media conference para lang maitawid ang kung ano mang dapat mapag-usapan. (minsan special delivery na lang sa bahay ang food!)

Ngayon medyo nagbabalik na ang mga face to face presscon (hindi ‘yung face to face na show ni Tyang Amy dati ha!) Masaya dahil nagkikita kita na ulit. (kahit i’m sure ‘yung iba ayaw naman talaga magkita!) Maraming mga beterano na sa industriya ang sanay na sa kalakaran ng industriya. Pero syempre hindi naman masamang magpaalala lalo na para sa mga nakakalimot o mga baguhan palang. (so either may amnesia or sadyang may pagkashonga lang!)

Kaya para sa mga nangangailangan ng paalala at sa mga curious, ano ba dapat ang ginagawa ng isang reporter sa presscon, may maikli tayong listahan. (wow, lecture ito?!)

MAGBAON NG SARILING TANONG.  Hindi naman masamang tanungin kung kamusta na ang bida sa presscon. (I’m sure ang sagot n’ya ok naman s’ya!) Pero maganda rin namang may konting research bago pumunta ng presscon (o kahit nga during presscon, bilang may google naman!) Para lang may karagdagang tanong. Baka may magandang maisagot at baka may mas maganda kang makuhang istorya. (maliban dun sa sinusubo sa’yong press release)

HUWAG NANG MAGBAON NG PAGKAIN PAUWI GALING SA PRESSCON.  Laging may masarap na pa-fudam ang mga nag-o-organize ng mga presscon. (‘di ko lang sure if lahat ng napuntahan nung iba, masarap ang handa ha!)  Kumain na ng sapat habang nasa presscon. (‘yung kain na may bukas pa!)  Pero h’wag nang magdala ng Tupperware para makapag-take home ng handa. (unless, sabihin ng organizer na may pa-Sharon Cuneta, sabay patugtog ng “Balutin mo ako…”)

HUWAG MAGHANAP O MANGHINGI NG ANUMAN.  Malamang lamang meron naman ‘yan.  Mahihiyang hindi magbigay ang organizer sa mga umaattend (unless wala s’yang hiya). Basta makuntento sa anong ibibigay na token o regalo. (kung ‘di mo feel, huwag ka nang aattend ng pa-presscon n’ya ever! )

HUWAG GAGAWA NG SARILI MONG EKSENA SA PRESSCON.  Artista o ‘yung featured celebrity ang bida sa presscon.  Hindi ikaw.  H’wag nang magnakaw ng atensyon sa pa-presscon ng iba. (unless gawa ka ng sariling presscon!) Naalala ko tuloy ‘yung kwento kamakailan ng isang kasamahan sa industriya.  Sa presscon ng Side A Band para sa kanilang concert sa isang sikat na venue. (‘yung may bumubulong na resorts sa Maynila!) May isa umanong sponsor na nagtatalak sa kalagitnaan ng presscon dahil ipinamigay ng mga PR organizers ang kanilang mga gift packs sa media. (as in Talakathon si madame!)  Ang gusto pala ni madame sponsor na isa raw doktora, eh s’ya ang mag-abot. (for exposure nga naman!) Pero umeksena raw ito sa mismong presscon (as in dinaig ang pagsigaw ni Darna!) Coordination lang dapat ang ginawa ng kanyang team sa PR organizers at hindi kailangang mag-agaw eksena. (this is not the time to shine! aAaw ni direk ng ganun ‘day!)

Show comments