^

PSN Showbiz

Sylvia, kinumpirmang nililigawan ni Zanjoe si Ria!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, kinumpirmang nililigawan ni Zanjoe si Ria!
Ria Atayde at Zanjoe Marudo

Nakakaaliw ang pagka-marites ni Korina Sanchez-Roxas sa pakikipagpanayam niya kay Sylvia Sanchez na napanood namin sa Korina Interviews sa Net 25 nung nakaraang Linggo.

Ang ganda ng tsikahan nila tungkol sa apat na anak ni Sylvia at nakakatuwa na bahagi ng pagpapalaki sa kanyang mga anak ay inilalapit daw niya sa buhay niya sa Agusan del Norte. “Mulat sila sa buhay ng mga mahihirap. Mulat sila sa buhay ng may kaya, may pera. Alam mo ‘yun.

“Kasi nung bata sila, lumalaki sila, mulat sila sa mundo ng Daddy nila na may pera, may kaya, na kaya nilang bilhin ang gusto nilang bilhin. May yaya, hatid-sundo sa school. Mulat sila ng ganun.

“Ang sabi ko, sandali lang. Paano ‘yung mundo na alam ko? ‘Yung mahirap. ‘Yung minsan kinakapos. Kaya ang ginawa ko, binalanse ko, dinala ko sila sa Mindanao. Baka kasi isang araw, ‘di ba? Ito lang ang alam ng mga bata, baka hindi mo maiwasan iba ‘yung tingin nila sa mga mahihirap. Ayokong mangyari ‘yun, kasi ako ‘yun,” kuwento ni Sylvia kay Korina.

Kaya nakikita naman kung gaano kabait ang mga anak ng premyadong aktres at malapit sila sa mga tao, lalo na sa mahihirap.

Dumako ang tsikahan nila kina Cong. Arjo Atayde na kapu-propose lang kay Maine Mendoza at kay Ria Atayde na nali-link naman kay Zanjoe Marudo.

Hindi pinalagpas ni Madam Korina na alamin kung ano ba talaga ang namamagitan kina Ria at Zanjoe. Ani Sylvia: “Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay e. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw.

“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman e, ganun. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin e. Wala pa talaga.”

Kasunod nito ay tinanong ni Korina si Sylvia kung handa na ba siyang ihatid sa altar si Cong. Arjo sa araw ng kasal nito kay Maine. “Handang-handa na ako,” bulalas ni Sylvia.

Tinanong din daw niya ang kanyang anak kung kailan na ba ang kasal, pero wala pa raw date. “Pero siyempre, alam ko ‘yun na ang kasunod, kasi ‘yun ang gusto nila e. Pero ‘yung date, hindi ko tinatanong. Hinahayaan kong si Arjo ang magsabi sa akin, ‘di ba?

“’Yung kailan ba anak? ‘Malapit na Mom. Malapit na. Kasi siyempre, gusto ko na magkaapo,” dagdag niyang pahayag.

Pagdating sa ganung bagay ay ayaw raw niyang pakialaman o pangunahan ang kanyang mga anak. “Siyempre, bahala sila kung gusto nila. Pero, parang gusto na ng dalawa e,” sabi pa ni Sylvia.

Ang daming napag-usapan nina Korina at Sylvia pero parang bitin pa ang isang oras na tsikahan nila.

Itong Korina Interviews ang isa sa kaabang-abang na programa sa Net 25.

Ang ganda nga ng programming nila tuwing Linggo ng hapon hanggang sa gabi, dahil malalaking artista ang napapanood mo sa kanilang mga programa.

Pagkatapos nito, susunod ang Love, Bosleng and Tali na kakaiba ang concept ng programa na mala-MMK at Magpakailanman na comedy ang atake.

Pagkatapos naman ng kina Bossing Vic Sotto, Pauleen Luna-Sotto, at Tali, aliw rin ang game show ni Aga Muhlach na Tara Game, Agad-Agad na magsisimula na ang season 2 sa darating na Linggo.

SGK, may pa-Halloween

Sa darating na Sabado ay Halloween episode na ang Sing Galing Kids na napapanood tuwing Sabado ng 6 ng gabi. Nag-enjoy ang mga batang kahit may pressure ang pakikipagtunggali sa kantahan, na-enjoy pa nila ang trick or treat na ibinigay sa kanila.

At ang saya ng mga taga-Sing Galing dahil wagi na naman sila sa Asian Academy Awards 2022. Nakuha nila ang parangal as National Winners sa kategoryang Best Non-Scripted Entertainment for the Sing-lebrity Edition at Best Children’s Programme para sa Sing Galing Kids Edition.

Nanalo ring Best Voice Artist Award ang Show Suzuki episode ng Sing Galing.

Kaya nagpapasalamat sila sa Panginoon sa karangalang nakuha nila.

Ang Sing Galing ay napapanood ng Lunes. Martes at Huwebes ng 6:30 hanggang 7:15 ng gabi.

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with