Ex-PBB housemate Rhys Miguel, nilantad ang pangmomolestiya ng newcomer

Rhys Miguel

Napakalaking career disaster para sa baguhang si Patrick Quiroz ang inilabas ng da­ting PBB housemate at artista na rin na si Rhys Miguel sa pamamagitan ng isang video na siya ay “minolestiya” ni Patrick sa isang taping nila noong nakaraang taon pa.

Sinabi niyang nanahimik siya dahil sinabihan siyang tumahimik muna para hindi magkaroon ng gulo sa taping na ginagawa nila para sa video streaming, pero napilitan siyang ilabas ang sama ng loob sa dibdib dahil mukhang walang nangyayaring aksiyon laban sa ginawa sa kanya.

Detalyado ang sinabi niya sa video, na hindi na natin sasabihin dahil masyadong mahalay, at kung iyan ay lulusot sa social media, kaming nasa lehitimong media ay may sinusunod na protocol na hindi maaaring ilabas ang ganyan.

Pero sa totoo lang, batay sa sinabi ni Rhys, napakahalay talaga ng ginawa sa kanya. Sinasabi niyang hawak niya ang lahat ng ebidensiya, pati na ang mga tissue na ginamit, at madali nga namang patunayan kung kanino ang “nasa tissue” sa pamamagitan ng DNA test kung talagang uusigin mo.

Matapos na lumabas iyon, may isa pang newcomer din na ang pangalan ay EJ ­Pangilinan, na nagsabing siya rin ay minolestiya ni Patrick sa kanilang lock-in taping, at sinabihan siya na “manahimik na lang.”

Hindi pa namin alam kung ano ang isasagot ni Patrick sa mga paratang na iyan. Dapat kumonsulta na siya sa abogado bago magbigay ng statement. Hindi puwede iyong sagot na “na-miss ko lang ang kuya ko kaya ko ginawa iyon,” dahil ang statement na iyon ay mali rin kung iisipin.

Nangangahulugan iyon na maaaring “minomolestiya” rin niya ang kuya niya.

Diyan dapat na gawin iyong “consult a lawyer.”

Siguro ang nasa isip nga nila ay kailangan nilang bigyan ng proteksiyon si Patrick, dahil mas malaking artista iyon kaysa sa mga complainant, eh papaano ngayong lumabas na iyan?

Maaari namang nakarating na sa management ng ABS-CBN, at pinagsabihan nila si Patrick Quiroz, pero sa tingin ng mga nagsasabing biktima sila, walang nangyari, at ngayon nakahanda na raw iyong si Rhys Miguel na magsampa ng demanda.

Ang claim nila, hindi lang sila pero maraming iba pa na biktima ni Patrick na hindi na lang kumibo.

Kung pababayaan nila iyan, para silang nagtapon ng malaking puhunan. Dapat gawan nila ng aksiyon na hindi naman agrabiyado ang mga nagrereklamo, na ngayon ay dalawa na ang lumantad sa social media.

Maaari ngang may mga sumunod pa “dahil marami raw silang namolestiya ni Patrick.”

Show comments