MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ng TV host, komedyante at negosyanteng si Allan K ang pagbabalik ng kanyang comedy bar, na siyang nagsilbing institusyon na sa industriya ng pagpapatawa at sa kabuuan ng Metro Manila night life.
Matatandaang napilitang isara ni Allan K ang tanyag na Klownz at Zirkoh noong 2020 kasabay ng matinding epekto ng COVID-19 lockdown sa ekonomiya, na siyang nagpatiklop sa hindi na mabilang na negosyo sa nakaraang dalawang taon.
Related Stories
"Hey!!!! We're back!!!" wika ng aktor sa isang Instagram post, Martes, habang inaanunsyo ang nalalapit na pagbubukas ng "Clowns Republik."
"Very very soooon!!!!!"
Sa kabila nito, wala pang pormal na opening date na ibinibigay ang aktor.
Ipinasilip naman niya ang lalamanin ng panibago niyang bar, na siyang kumpleto na. Mapapansin ding punong-puno ng mural ng mga payaso ang mga pader ng establishment.