^

PSN Showbiz

Joshua, laging nakikinig kay Daniel!

Pilipino Star Ngayon
Joshua, laging nakikinig kay Daniel!
Daniel at Joshua
STAR/ File

Isa si Daniel Padilla sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Joshua Garcia.

Ayon kay Joshua ay parang kapatid na ang turing niya sa aktor. Naging magkaibigan ang dalawa nang nagkatrabaho noong 2016 sa pelikulang Barcelona: The Love Untold na pinagbidahan nina Daniel at Kathryn Bernardo. “Isa ‘yon sa proud moments ko in showbiz. Si DJ parang kapatid ko, kuya ko talaga Barcelona pa lang,” nakangi­ting pahayag ni Joshua.

Maraming pagkakapareho sa mga interes ang dalawang aktor kaya talagang nagkasundo ang mga ito. “Nag-click kami kasi marami kaming gusto na similar kami. Parehas mahilig sa old music, parehas kami hilig sa golf, sa sports ako rin. Tapos mahilig makinig. Okay sa akin, pinapayuhan ako. Si DJ mahilig magpayo. ‘Di ko alam saan nanggagaling kabaitan, lagi ako pinapayuhan. Mahilig ako makinig, nakikinig ako sa kanya sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin. Naging magkaibigan, magkapatid,” pagbabahagi ng binata.

May mga pagkakataong pinagbabang­ga ang dalawa ng ilang mga tagahanga dahil parehong leading man.

Hindi raw itinuturing ni Joshua na mayroong kumpetisyon sa pagitan nila ni Daniel. “Before parang may competition nga. ‘Di kasi namin iniisip gano’n na may competition. ‘Pag trabaho, trabaho, gagawin namin professionally,” giit ng aktor.

Polo, iniingatan ang sarili para sa anak

Isang taong gulang na ngayon ang anak ni Polo Ravales na si Yatrick Paul. Walang proyektong ginagawa ngayon ang aktor kaya ini-enjoy lamang muna ang pagiging ama sa bata. “Ang tagal ko na ring walang show. I really don’t know why pero siguro baka pinapa-enjoy muna sa akin ni Lord ang pagiging father. Kasi baka mamaya dumating ang time na magka-project ako hindi ko na siya maalagaan,” bungad ni Polo.

Maraming natutunan ang aktor sa buhay ngayong isa na siyang ganap na ama. Malaki na raw ang ipinagbago ni Polo ngayon. “Naku! Madami, siguro you’ll change for the better. Mas meron kang direksyon. Meron ka kasing iniisip hindi tulad dati ‘pag single ka, ikaw lang talaga ‘yon. Kahit anong gawin mo okay lang. Ngayon mas magiging maingat ka sa mga gagawin mo sa buhay. Mas magiging mature ka and I think malaki rin ‘yung pinag-mature ko, ‘yung pinagbago ko,” pagtatapat niya.

Apatnapung taong gulang na ngayon si Polo kaya todong pag-iingat na rin daw ang ginagawa para sa anak. “Mentally, physically, kailangan malakas ka rin kasi siyempre lalo na ‘pag ‘yung baby mo makulit. Ang hirap naman na hahabul-habulin mo pero mahina ka. That’s why I take care of myself. Kasi ‘yung baby ko very active siya eh. Malakas siya dahil ‘yung partner ko is a trainer. Siguro nakuha niya ‘yung genes. Kaya na niya maglakad ng 10 mi­nutes sa mall, straight ‘yon ah. Grabe ‘yung anak ko, parang genetically malakas siya,” kwento ng aktor.

(Reports from JCC)

DANIEL PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with