Pagiging sakang ni Kathryn, binuhay ng bashers!
Nakakaloka talaga ang ibang mga basher, Ateng Salve, kasi talagang tama ang sinasabing they will always be haters!
Aba, nag-post lang sa Instagram si Mrs. Min Bernardo, nanay ni Kathryn Bernardo ng video ng anak habang nagpapakain sa apat nilang dogs, may nagkomento na ng hindi maganda.
Komento no’ng basher, litaw na litaw raw ang pagkasakang ng sweetheart ni Daniel Padilla.
Siyempre, come to the rescue ang mga fan ni Kathryn at kinuyog ang basher na ‘yon, ‘noh?! Sabi nga ng isa sa kanila, what if sakang nga ang dalaga, eh, tanggap nila ‘yon!
Sinagot din ni Mommy Min ang komentong ‘yon at hindi naman siya “hysterical.”
May isa pang basher na nagkomento at pati ang boyfriend ni Kathryn ay dinamay pa at may bintang na kung ano sa aktor, kaya galit na galit naman ang mga fan sa bintang na ‘yon kay Daniel.
‘Kakaloka, huh! Pati ba naman si Daniel, pagbibintangan ng kung ano, eh, mukhang sobrang happy naman ito with his relationship kay Kathryn, ‘noh?!
Teka! Nabasa na kaya ‘yon ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada? Hindi kaya patulan din niya ang basher na ‘yon, o deadma na lang siya if ever?
Basta ako, Ateng Salve, never papatol sa mga basher lalo’t hindi ko naman sila kilala at mukhang troll accounts ang karamihan sa kanila, ‘noh?!
Saka ang karamihan naman sa mga basher ang bina-bash ay mga successful na katulad ni Kathryn dahil na rin sa inggit na namamayani sa kanilang mga puso!
Gigi, lumelebel na sa mga bigating singer
Sa Oct. 13 ang alis pa-Los Angeles, California ng Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana dahil on Oct. 15 ang simula ng kanyang Domination US concert tour kung saan kasama niya ang kanyang bandang GG Vibes.
Sure na na maganda ang start ng concert tour na ‘yon ni Gigi dahil talagang maso-sold-out ang kick-off show nila on Oct. 15 na gaganapin sa Alex Theater sa Glendale, California.
Bongga dahil kasisimula pa lang ng kanyang career sa showbiz ay pumapantay na siya sa malalaking singers pagdating sa pagko-concert, huh!
‘Yun na!
- Latest