^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong pinaglalaban ang karapatan ng mga bata, paranoid sa mga anak!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian at Dingdong pinaglalaban ang karapatan ng mga bata, paranoid sa mga anak!
Marian at Dingdong.

Ang pagbibigay prayoridad sa kalusugan ay tinuturing ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na isa sa kanilang pinakamahalagang tungkulin sa kanilang tahanan, lalo na nang mabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Zia at Sixto na ang bibilis lumaki.

Pagpapakita ito na talagang sineseryoso ng Kapuso Primetime King at Queen ang kanilang ginagampanang papel sa tunay na buhay—ang ma­ging mabuting magulang.

“Ang pagiging magulang ay hindi biro, ang dami naming natutunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusugan ang pinaka-kailangan natin. We want to do so many things. Our kids want to do so many things. But the fact is that marami pang darating na mga hadlang like viruses and the only way to fight them is to have a strong immunity,” lahad ni Dingdong.

“Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on mom. Tandem kami. Siya maghahanda, ako maghahatid at ako magsusundo. Mahalaga na dun pa lang sa prep stuff, kumbaga napapatibay at napapalakas na namin sila so that when they go to school, especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alam natin na kayang-kaya ng katawan nila,” sabi pa ni Dingdong, ang host ng Family Feud Philippines na may pinakamataas na ratings sa mga game show sa bansa.

Para palakasin ang immunity at panatilihing masigla sina Zia at Sixto, naging bahagi na ng kanilang buhay ang Ceelin Plus, isa sa mga produkto ng Unilab, ang nangungunang pharmaceutical at healthcare company sa Pilipinas. Mayroon itong Ascorbic Acid + Zinc na nagbibigay ng dobleng proteksyon kasama ang matatag na ZincPlus® Technology na nakakatulong na magbigay ng fully loaded immunity, kasabay ng tamang pagkain at healthy lifestyle.

Nakakatuwa rin na kagaya ng ibang happily married couples, madaling nasusundan at nasusuportahan ni Marian ang mga pahayag ng kanyang asawa: “Nag-eendorso kami ng isang produkto palagi na kailangan na ginagamit ko at sure ball ako na gagamitin ko s‘ya. Ayoko s‘ya i-endorse just for the sake of the money or because of may endorsement ako, no.”

Aminado rin ang aktres na nakikita niya ang benepisyo nito especially now na nagfi-face-to-face classes na ‘yung mga bata. “Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga. Hangga’t kaya mong ibigay at siguraduhin na secure ang kalusugan nila, lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo talaga. So nandyan ang Ceelin Plus para sa amin.”

Katatapos lang ng mag-asawa sa kanilang sitcom, ang Jose & Maria’s Bonggang Villa. Noong Mayo, inilabas din nila ang kanilang dokumentaryo, Miss U: A Journey to The Promised Land. Idinirek ni Dingdong si Marian habang siya ay nasa Israel bilang judge sa ika-70 Miss Universe at kung saan nakausap niya ang mga overseas Filipina workers na mga katulad niyang nanay. Bukod sa Family Feud, si Dingdong ay nagho-host din ng Amazing Earth habang si Marian ay nagho-host naman para sa Tadhana kung saan sa ika-limang taon nito ay isang three-part anniversary special simula ngayong Oct. 8 ang mapapanood.

Anyway, bilang overprotective parents, mayroon na sila ngayong bagong layunin na malapit sa kanilang mga puso. “Araw-araw, walang mintis, binibigyan namin si Zia at Sixto ng Ceelin Plus para siguradong ligtas sila sa banta ng mga sakit. Ngunit hindi lahat ng bata ay nakakakuha ng proteksyong tulad nito,” sabi ng mag-asawa. “Kaya naman, natutuwa kaming maibahagi sa inyong lahat ang #PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids ng Ceelin, kasama ng Caritas Philippines!”

Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Ceelin at Caritas Philippines, ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa ilalim ng direksyon at pangangasiwa ng Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP).

Tinatayang 100,000 na mga bata mula sa malalayong lugar o tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) na kulang sa nutrisyon ang nabigyan ng bitamina mula nang magsimula ang proyekto noong Marso 2022, na tumutulong sa kanila na palakasin ang kanilang resistensya sa sakit lalo na’t ang mundo ay nasa gitna pa rin ng pandemya.   “Lahat ng mga bata ay may karapatang maging protektado at magkaroon ng magandang kalusugan at maging malakas ang resistensya laban sa sakit. Good health is a basic human right, but access to it is limited,” ani Dingdong at Marian.

Para maibsan ang problemang ito, namahagi ang mag-asawa ng Ceelin vitamins sa mga batang nasa pangangalaga ng Caritas Philippines noong Setyembre 13 na ginanap sa Obispado de Cubao, Quezon City, sa harap mismo ng Immaculate Conception Cathedral kung saan sila ikinasal noong 2014. Dumalo rin sina Bishop. Jose Colin M. Bagaforo, ang Pambansang Direktor ng Caritas Philippines, Fr. Ronnie Santos, Direktor ng Caritas Cubao at mga madre mula sa Kidapawan City, Cotabato.

Nangako ang proyektong No Child Left Behind na walang maiiwanang bata habang ito ang programa ay ginaganap sa buong bansa, mula sa matataas na lugar ng Bontoc sa Mountain Province hanggang sa mga liblib na isla sa paligid ng Tawi-Tawi, lahat ng may humigit-kumulang 1.2 milyon na bata ay nakikinabang ngayong taon.

Si Dingdong ay mayroong 3.7 million followers habang si Marian ay may 12.4 million followers sa Instagram. Sa Facebook naman, may 3.8 million followers si Dingdong habang 27 million naman si Marian.

Sa kanilang mabigat na impluwensya sa social media at ang kanilang status bilang power couple, maingat sila sa kung anong mga adbokasiya ang susuportahan sa kanilang mga social media.

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with