^

PSN Showbiz

Lyca, hindi minamadali ang pagjojowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lyca, hindi minamadali ang pagjojowa
Lyca Gairanod.

Umaayos na ang kondisyon ng ama ni Lyca Gairanod matapos nitong ma-stroke noong Abril.

Ayon sa singer ay ngayon lamang naranasan ng kanilang pamilya ang ganitong pagsubok. “Nakakausap na po namin siya nang maayos. Hindi po tulad noong una na hindi po siya masyadong nagsasalita. But now, alam po namin kung gusto na niyang kumain. Nasa bahay na po siya. Sabi po kasi ng doktor niya, mas magandang nasa bahay si father para mas maging positive siya, masaya lang, at nakikita niya kami araw-araw. Gano’n po talaga ang buhay, may magaan, may mabigat. Talagang hindi po natin maiiwasan but nakayanan naman po namin. Basta para kay father talagang kakayanin. Pero ito po talaga, mas mahirap sa amin dahil first time na nangyari sa buhay ko,” pagbabahagi ni Lyca.

Nagsimulang sumikat ang singer nang tanghaling grand champion ng The Voice Kids noong 2014 sa edad na 10 taong gulang. Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang ni Lyca ang kanyang ika-labingwalong kaarawan. Hindi pa raw nagkakaroon ng kasintahan ang dalaga simula noon pa man. “Wala pa po eh,” natatawang pahayag niya.

Para kay Lyca ay hindi naman dapat minamadali ang pagkakaroon ng nobyo.

Kung sakali mang magkaroon ng karelasyon ay umaasa ang singer-actress na susuportahan siya sa lahat ng ginagawa. “Nasa tao naman po ‘yon kung susuportahan ako ng magiging boyfriend ko sa lahat. Hindi siya magi­ging dahilan para matigil ang mga ginagawa ko para sa pamilya,” makahulugang pagtatapos ng dalaga.

Charlie, mas gustong walang ka-love team

Sumikat nang husto si Charlie Dizon dahil sa pagkapanalo bilang Best Actress para sa pelikulang Fan Girl noong 2020. Pagkatapos nito ay nagbida rin ang aktres sa teleseryeng Viral Scandal.

Sa bagong pelikula ni Charlie ay talagang ibang-iba raw ang tema nito kumpara sa kanyang mga nagawa noon. “Kakaiba siya from Viral Scandal. Kasi this time mas light siya. Mas feel-good ‘yung pelikula. Naiiba rin ‘yung tema kasi first time na… hindi ko pwede i-spoil,” nakangi­ting pahayag ni Charlie.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil iba-iba ang naging leading man sa mga proyekto ginagawa. Para kay Charlie ay mas mabuti rin na wala siyang permanenting katambal sa trabaho. “Okay ako kasi nai-enjoy ko rin ‘yung iba-iba ang ka-work. Iba-iba ang natutunan mo sa bawat ka-work mo. Ang hirap ng pressure kasi sa love team (na permante). Imbes na characters mo lang ang iniintindi mo, parang meron pa kayong sa personal life, kasali. Parang binabantayan din ‘yung personal life n’yo, paano kayo outside. So parang ang hirap ‘pag love team,” paliwanag ng dalaga.

Mamayang gabi ay magbibida sina Charlie sa Maalaala Mo Kaya. Matutunghayan sa espesyal na episode ng MMK ang kwento ng pamilyang sinubok ang katatagan dahil sa mental health. “Sana mas maging aware ‘yung mga tao, mas maging careful sa pakikitungo sa mga tao. Kasi hindi nila alam kung gaano kabigat na ‘yung pinagdadaanan. Sa mga kailangan ng tulong, ‘yung mga may mental health condition, huwag sila mahiyang humingi ng tulong lalo na sa mga loved ones nila. Kasi kailangan talagang i-address ‘yon at kailangan talaga ma-manage nang maayos,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

LYCA GAIRANOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with