Kasama ang Fil-Am promoter/producer ng mga concert ng Pinoy artists sa Amerika na si Tommie Mopia, sa mga tumulong kay Jaya nang masunugan ang pamilya nito sa Amerika.
August 9 sa bansa nang ibalita ni Jaya na nasunugan sila. “Hindi ko pa nakausap si Jaya. We wanna help her, bring more shows para dalhin namin siya sa mga show namin, guest or something. Or get show for herself… makabangon din kasi nasunugan siya, e. ‘Di naman ibig sabihin na artista do’n, may pera agad. Lalo kalilipat pa lang niya. So we’re trying to give her concerts next year. Maybe tandem with Lani Misalucha, and Pops Fernandez. I worked with Pops and The Hitmakers. ‘Yun ang gusto naming gawin, like ‘yung i-collab namin with Jaya just to help her out. Maraming shows next year,” chika ni Tommie nang makausap naman sa isang intimate interview two days ago.
Kamusta na ba si Jaya? “She’s doing ok. She’s trying to rebuild up sa nangyari. Kaming mga producers when that happened, nag-email lahat, ‘hey we wanna help out.’ Nagbigay kami (ng cash). Kasi she’s very nice. Her family is very nice. Wala siyang attitude. She’s very nice, she’s not bitchy. Kaya talagang tinulungan talaga namin. Isang tawagan lang, nag-send kami lahat. She really appreciates it. January next year, mag-start kami ng shows niya,” papuri pa ni Tommie kay Jaya.
Dagdag pa niya, plano rin nilang i-expose si Jaya sa American singers. “We’re gonna blend her in para at least, gumanda ‘yung pangalan niya, para mas makilala pa siya ng mga production,” sabi pa niya sa amin.
Actually, aside from Jaya marami pang nakalatag na concert ang grupo ni Tommie. “Personally, I want Regine (Velasquez) and Sharon (Cuneta). And also for US artists, I wanna do at least, obviously hindi executive producer lang but at least line-produce Bruno Mars and Justin Bieber. We have already talked to Justin Bieber’s team. Wala pa siya (Justin), but it’s a one-year process, so at least maka-tap in ka lang do’n, you’re good. So we have good friends sa team niya.”
Natanong din namin kung may market ba ang Pinoy-pop like SB19 sa US?
“Yes, there’s a market there even the Ben&Ben is coming to New York and it’s sold-out already. Ben&Ben and SB19 is coming in. So we’ve been talking to them na, maybe we might get the one in LA. Meron talaga sila don (market). So ‘yun ‘yung mostly na mga Filipino, kahit matatanda. Even me, I’ll go with Ben&Ben. I’ll do it. I’ll sponsor them. Gigi de Lana, oh my God, is a hot ticket. GG Vibes, grabe ang hot do’n. Kaya mahal ang talent fee niya. We’re trying to get Moira pero parang struggle kami kasi manager na yata niya... ni Moira,” pagkumpirma pa ni Tommie na CEO ng kanyang TGM Group of Companies Inc.
Samantala, kamakailan lang ay tumanggap ng parangal si Tommie bilang Gawad Amerika’s Outstanding Young Entrepreneur Award 2022.
Kabilang naman sa mga nai-produce niya ng concert ay si Jake Zyrus at Jed Madela.