Itinanggi ni Dominique Cojuangco na magkaka-baby na siya.
Isang follower niya kasi ang nagtanong tungkol dito dahil paulit-ulit daw na pinag-uusapan sa isang vlog na preggy na siya kaya magiging lola na ang mommy niyang si Gretchen Barretto.
“Lol no baby. Just working full-time at The Collective,” aniya.
In a classy way, aniya, dapat humanap ng magandang paraan ang vlogger para ubusin ang kanyang oras.
Nagpasalamat ang kanyang follower sa paglilinaw ni Dominique sa maling balita.
Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang ma-engaged si Dominique sa kanyang kaeskuwela at kapwa negosyante na si Michael Hearn.
Nauna nang inamin ni Dominique sa interview ng Lifestyle Asia na hindi sila nagmamadaling pakasal.
“We’re not in a hurry. In fact, I never dreamed of a wedding even as a child. My parents never had a wedding. They aren’t married, but I think that engraved in me that it’s not about the wedding at all, but it’s about my marriage,” pahayag niya sa nasabing interview.
Ang The Collective ay kanilang negosyo.