Muling naimbitahan si GMA First Vice President for Program Management Jose Mari R. Abacan na maging bahagi ng online jurors ng 2022 Venice TV Awards.
Dahil sa kanyang malawak na kaalaman sa industriya at kahusayan sa TV programming, si Abacan ay muling kinuha upang sumali sa mga hurado na binubuo ng mga nangunguna at kilalang international expert sa mundo ng pelikula at telebisyon. Sinuri niya ang mga entry ngayong taon sa Best Documentary at Best TV Series.
Bukod sa pamumuno sa Program Management Department, siya rin ang kasalukuyang Project Director ng GMA Network Films, Inc. at namumuno sa pangkalahatang operasyon at programming ng lahat ng Digital Terrestrial channel ng GMA: Heart of Asia, I Heart Movies, at HallyPop.
Si Abacan, na nagbigay daan sa pagpapakilala ng mga Koreanovela, Lakorn, Turkish at Indian na serye sa bansa, at nakikipag-negotiate sa pagkuha ng programa from foreign producers.
The Venice TV Award was launched as a tribute to and celebration of television, increasing national and international recognition for both producers and broadcasters who create high-quality output.