Hindi ako nakatulog kagabi. Nalungkot ako nang ibalita sa akin ni Gorgy Rula na isa na namang staff namin sa Startalk ang namatay.
Una si Oswald, ngayon si Archie naman.
Imagine na nakasama mo sila sa loob ng mahabang panahon na parang pamilya, tapos ngayon wala na sila.
Ang saya ng naging pagsasama namin, naging close kami sa isa’t isa.
Hindi ko ma-imagine na mawawalan kami ng kasamahan lalo pa nga na kahit hanggang ngayon meron pa rin kami kahit paano na communication sa bawat isa. Masarap ‘pag naging close kayo ng mga kasamahan mo sa trabaho. Masarap dahil para kayong magkakapatid.
Kaya parang isang malaking blow rin sa iyo ‘pag nawawala ang isa.
Rest in peace, Oswald and Archie, we will see each other again, but for now, pray for us, we need your prayers as well as we will pray for your souls to rest in peace.
FF, deserve na ma-extend!
Masarap manood ng Family Feud dahil parang ang taas lagi ng energy ni Dingdong Dantes. Kuhang-kuha na ni Dingdong kung paano mas mag-enjoy ang manonood ng Family Feud.
Magiging addict ka talaga dahil nga ang dami mong matututuhan sa mga tanong at sagot. Cute lalo na ‘pag taga-showbiz ang contestant dahil parang challenge sa katalinuhan mo at pagiging ‘in’ sa mga gusto ng tao ang magiging sagot mo.
Ang saya ‘pag may nakakakuha ng P200K na jackpot at in fairness walang umuuwing talunan ha. Bongga sina Senedy Que at Loi Landicho, mga writer ng Family Feud dahil nagagawa nilang very exciting ang lahat. Please extend Family Feud, masarap at magandang panoorin.