Patuloy na pinalalakas ng PIE (Pinoy Interactive Entertainment) Channel ang mga handog nito ngayong four months na pala silang on air sa paglulunsad nito ng isang nakakaengganyong hybrid narrative-reality show na nag-umpisa noong Setyembre 24, kung saan si Melai Cantiveros ang host at isa sa mga bida.
Ito ang The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan kung saan ang PIE kung saan makokontrol ng mga manonood ang kuwento at matutukoy kung aling karakter ang mananatiling buhay hanggang sa katapusan sa pamamagitan ng pagboto.
Ayon sa award-winning director and cinematographer na si Topel Lee, ang The Chosen One has a ‘choose your own adventure’ style kaya’t tinawag itong ‘piliserye.’
“You (viewers) get to play god sa ‘piliserye.’ Ikaw ang magde-decide kung saan pupunta ang kwento. Fresh ito for this type of programming sa PIE Channel,” ayon kay Direk.
Kada linggo, limang lucky Philippine-based voters ang pipiliin via randomizer para manalo ng P1,000.
Naging pilot episode ng programa ang suspense thriller series na pinamagatang Soap Opera na sinusundan ang kuwento ni Charlie (Kaila Estrada), na sumali sa isang shady networking group called Astra Nuevo na pinangungunahan ng strong-willed Miss Jane (Melai). Sa Astra Nuevo, makikilala ni Charlie ang 10 aspiring entrepreneurs mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay kasabay ng kanilang mga pangarap na magkaroon ng sapat na ipon. Pero natuklasan nila na ang kanilang ambisyon ay maaaring maging kapalit ng kanilang buhay.
Bukod kay Kaila kasama rin hybrid narrative-reality series ang former PBB housemates na sina Andi Abaya (Rachel), Amanda Zamora (Julie), Dustin Mayores (Jason), Gabb Skribikin (Cheska), Kobie Brown (Peter), Luke Alford (Kiko), Maxine Trinidad (Emma), Rob Blackburn (Joe), Seham Daghlas (Paula), and Zach Guerrero (Mike) bilang players / characters na pagbobotohan ng mga manonood.
Si Kaila ang non-player sa Soap Opera kung saan kabilang din sa non-players sa series ang PBB Otso housemate Emjay Savilla at ang film and theater actress and host na si Sunshine Teodoro.
Mapapanood ito every Saturday, 8 to 10 p.m., live episodes upang ang chosen mentor na si Jhong Hilario ay maaaring hatiin at i-rate ang pagganap ng bawat player. Ilalahad din nito ang kasalukuyang katayuan ng mga manlalaro batay sa mga boto ng manonood.
Naging mas kapana-panabik ang episode kahapon, Sabado (Oktubre 1) dahil isiniwalat ng The Chosen One kung sino sa 10 manlalaro ang nakakuha ng pinakamataas na bilang at ligtas habang ang dalawang pinakamababa ay iwan sa bottom two.
Aminado si Melai na ibang side niya ang mapapanood sa The Chosen One. “First time ko na ganitong istorya. Kasi ako naman nagho-horror, pero may sundot na comedy. Dito parang may pagka-serious talaga,” aniya..
Pinuri rin niya si Jhong during the mediacon : “sobrang honored ako na kasama ko si Kuys Jhong. Talagang magkakaroon kami ng tawanan and banters. Sobrang happy din ako kasi ‘yan ang sample king.”
Samantala, sinabi naman ni Jhong na nagpapasalamat siya na napili siya bilang chosen mentor. “Siyempre dahil suspense thriller itong piliserye natin, gusto kong matakot sa acting nila. Gusto kong tumayo ‘yung mga balahibo ko dahil alam ko kapag natakot ako, ‘yung mga manonood sa kanila, matatakot din,” aniya sa inaasahan niya sa mga maglalaro.
Sa kabilang banda, nakikita ni Kaila ang The Chosen One bilang isang hamon dahil ito ang kanyang unang thriller series. “Challenge ito because first time ko gumawa ng show na thriller ‘yung theme. I keep in my mind na I want to give it the best performance that I can give, something that even I would want to watch,” paliwanag niya.
Sino ang magwawagi sa huli. Find out by watching the ‘piliserye’ ng bayan every Saturday at 8 p.m. only on PIE Channel.