^

PSN Showbiz

Vhong, sa rehas na bakal na aabutin ng pasko!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Vhong, sa rehas na bakal na aabutin ng pasko!
Vhong
STAR/ File

Hindi pinagbigyan ng RTC Branch 69 ng Taguig ang kahilingan ni Vhong Navarro na hayaan siyang manatili sa detention center ng NBI at huwag ilipat sa Taguig City Jail. Sa ilalim ng batas, ang sino mang nahuli sa isang kasong walang itinakdang pyansa ay dapat na makulong sa city jail kung saang korte naglabas ng warrant.

Sa kanyang kahilingang manatili sa NBI, sinabi ni Vhong at ng kanyang legal team na pinangangambahan nila ang kanyang kaligtasan. Nakatanggap daw kasi ng text message ang kanyang asawa na nagsasabing, “sabihin mo sa asawa mong rapist na hinihintay na namin siya sa city jail.”

May mga alegasyon pa siyang dahil nakulong sa city jail ng Taguig sina Cedric Lee at Deniece Cornejo dahil naman sa demanda niya noon, “maaaring may mga naging kaibigan sila roon na gaganti kay Vhong,” sabi pa nila.

Iginiit naman ng mga abogado ni Deniece Cornejo na ang hinihingi lang nilang paglipat kay Vhong sa city jail ay dahil iyon ang sinasabi sa batas. Hindi raw tamang payagan siyang “magkaroon ng special treatment,” at manatili sa NBI detention center dahil si Vhong Navarro siya at isang personalidad. “Dapat pantay-pantay lang ang treatment sa lahat ng inaakusahan ng krimeng walang piyansa dahil iyon ang sinasabi ng batas,” sabi ng mga nasa legal team ni Cornejo.

Iyang pagdinig sa piyansa maaaring uma­bot iyan ng tatlo hanggang apat na buwan, kaya ang kawawang si Vhong, maghihimas ng bakal na rehas sa darating na Pasko.

Lily, may bagong bokalista na

Opisyal na ang announcement ng Lily Music, sila iyong mga dating miyembro ng pop band na Callalily. Nagkahiwalay na sila dahil matapos ang 17 taon, biglang nagsarili ang dati nilang soloist na si Kean Cipriano, nagtayo iyon ng sariling music company at siyang gumagamit ngayon ng kanilang pangalang Callalily.

Iyon ang dahilan kung bakit ang ibang miyembro ng banda ay magkakasama pa rin at tinawag ang sarili nilang “Lily” at sinasabi nga nila ngayong may nakuha silang soloist, si Joshua Bulot. Long hair, at malakas din ang personalidad ni Joshua, bukod nga sa maganda rin naman ang boses.

Biglaang pagtapos ng serye, senyales na ‘di mabenta

Basta ang isang serye ay mabilis na itinigil, ibig sabihin hindi maganda ang resulta. Maaaring mataas din ang ratings, pero walang advertisers na pumapasok. Maaari kasing pinanonood sila ng mga tao, pero ang advertisers sa kanilang pag-aaral ng show ay hindi magandang advertising venue, kaya kahit na ano pang pra la la ang gawin nila, ititigil nila ang serye kung wala namang nakukuhang advertising revenue.

Ganyan ang nangyayari sa ilang mga serye ngayon na natapos na lang nang hindi mo halos namamalayan.

RTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with