OTJ Missing 8, napiling isali ng bansa sa Oscars!

OTJ Missing 8
STAR/ File

Ang pelikulang On The Job: The Missing 8 ang napiling entry ng ating bansa para sa 95th Academy Awards o Oscars.

Sa pagkakaalam namin, hindi tayo nakapagdala nung nakaraang taon. At ngayon ay nagsama-sama ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), Director’s Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) Inter-Guild Alliance,  at Film Professor na panoorin ang pitong pelikulang pinagpilian kung ano ang puwedeng ilaban sa kategor­yang Best Foreign Film ng Oscar Awards.

Bukod sa On The Job, nasa shortlist din ang pelikulang 12 Weeks, The Baseball Player, The Blue Room, Leonor Will Never Die, When The Waves are Gone at ang documentary film na Delikado.

Ang announcement ng entry natin sa Oscars ang isa sa highlights sa ginanap na Filmmakers and Shakers Night ng FDCP nung Biyernes sa Gallery Miranilla by the Blue Leaf sa Quezon City.

Si direk Joey Reyes ng FDCP at ang presidente ng DGPI na si Paolo Villaluna ang nag-announce ng magandang balitang ‘yun, at pagkatapos nun ay nagpahayag na rin ang chairman ng FDCP na si Tirso Cruz III na magbibigay ng isang milyong pisong tulong sa One The Job: The Missing 8 para gamitin sa pangangampanya nila sa Academy.

Ani Chair Tirso: “Kami sa FDCP, we would like to announce that we are extending a little financial help para sa The Missing 8. We are giving P1 million. Congratulations On The Job.”

Dumalo roon ang producer ng naturang pelikula na si Dondon Monteverde, at nagpapasalamat siya sa pagpili ng naturang pelikula.

Ani Dondon: “Maraming salamat sa mga jury sa selection committee. Nagpapasalamat kami sa trust nila ‘di ba?”

Nakakatuwa lang daw na talagang napapansin na ang On The Job: The Missing 8 pagkatapos nanalo sa Venice International Film Festival. “After winning the Volpi Cup in Venice ‘di ba? Last night we received a very good news. Na-nominate tayo sa International Emmy’s for the category of mini-series in television. And now, itong journey naman na going to the Oscars, sana pray for us, kasi for whatever gains na makuha namin, it’s the victory of our Filipino Film Industry,” dagdag niyang pahayag.

Nagpapasalamat siya sa tulong na ipinaabot ng FDCP para magamit nila sa pangangampanya sa Oscars.

Samantala, ibinahagi na rin ni Dondon na inaayos na nila ngayon ang gagawin nilang series ng On The Job.

Next year daw sila magsisimulang mag-shoot, at ang napili nilang magbibida ay si Jericho Rosales.

Lovi, napasabak sa action!

Patapos na ang Flower of Evil ng Kapa­milya network na napapanood tuwing weekend.

Matindi na ang takbo ng kuwento, at ibang-iba ang Lovi Poe na ipinakita rito dahil hindi lang siya nag-drama kundi napasabak siya sa action scenes.

Ang daming demands nitong role na ginagam­panan niya bilang isang police investigator na si Iris Castillo-del Rosario, at in fairness naman sa kanya, nagampanan niya ito nang maayos.

Alam mong pinag-aralan ni Lovi itong role na ipinagkatiwala sa kanya sa Flower of Evil dahil nakukuha niya ang kilos ng isang pulis na dumaan sa matinding training.

Maliit lang siyang babae, payat, pero convincing sa mga kilos niya na kaya niyang makipaglaban sa lalaki. Kaya nga sa set at kahit ‘yung mga nakapanood sa kanya, sinasabing tama ngang anak siya ng Da King ni FPJ. Kaya siya na si LPJ ang Da Queen.

Magaling din dito sina Piolo Pascual at Paulo Avelino, pati ang iba pang co-actors na sina Joem Bascon, JC de Vera, Edu Manzano at Agot Isidro.

Kaya nga nai-deliver nang maayos ni Lovi ang dapat gampanan sa Pinoy adaptation na ito ng Flower of Evil. “I loved working with all my co-actors in the show because they were extremely dedicated to the project. Piolo, my leading man, was very supportive and encouraging, and so were Paulo Avelino, JC de Vera and the rest of the cast,” dagdag na pahayag ni Lovi.

Show comments