^

PSN Showbiz

Raymond, Ruffa at Gabby, bibiyahe para sa Mrs. Universe Australia

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Raymond, Ruffa at Gabby, bibiyahe para sa Mrs. Universe Australia
Raymond Gutierrez.

Alam mo, Ateng Salve, ang sweet lang ni Raymond Gutierrez sa nanay niyang si Annabelle Rama dahil extended siya sa bansa dahil sa 70th birthday event nito.

Sabi sa akin ni Mond, tatapusin na niya ang special day ng kanyang nanay at saka siya babalik sa Los Angeles, California. Bale balikan doon at sa ‘Pinas ang twin-brother ni Richard Gutierrez at may mga work din naman siya sa Amerika.

Ang maganda, ang ibang mga work niya sa ‘Pinas ay natututukan pa rin niya sa pamamagitan ng Zoom. Bongga!

Anyway, bago ang big celebration ni Bisaya, magkaka-bonding din sila ni Mond sa Sydney, Australia. Ang maganda pa, kasama nila si Ruffa Gutierrez.

Kasama kasi sina Mond at Ruffa sa Passion & Fashion 2022 event ng Mrs. Universe Australia on Oct. 21 na gaganapin sa Doltone House Jones Bay Wharf. Guest din sa event na ‘yon si Gabby Concepcion.

Ilang days din sila na magba-bonding sa Sydney at excited si Bisaya, huh!

Si Mond nga pala ang tutok na tutok sa mga detalye para sa birthday event ng kanilang nanay. Exciting ang mga plano niya na ang sabi niya sa akin ay huwag kong ikukuwento kay Bisaya.

Naloka lang ako kasi ‘yung isang bagay na pinaplano nila para sa 70th event ni Bisaya ay alam na nito, huh!

Sabi ko nga kay Mond, alam na ‘yun ng mom niya at siya nga ang unang nagsabi sa akin.

Sagot ni Mond, may idea siya kung sino ang nagkuwento kay Bisaya, pero sigurado raw na masu-surprise pa rin ang kanilang nanay sa mismong party nito.

South Border at Neocolours, may concert din sa Amerika

Ang dami talagang shows sa Amerika, lalo na around California.

Alam mo ba, Ateng Salve, nakasabay ko ang South Border na umalis ng ‘Pinas noong Thursday evening pa-Los Angeles, California via Hong Kong (Cathay Pacific).

Noong nagtse-check-in sa NAIA Terminal 3, hindi ko sila namukhaan  pero noong nasa connecting flight na kami sa HK ay saka ko lang nakita si Duncan Ramos.

May concert series sila sa Amerika  kasama ang Neocolours at Saturday ang show nila sa Irvine na ang venue ay sa Irvine Barclay Theater.

May nagkuwento nga sa akin na maganda ang tickets sale ng show nilang ‘yon.

May isa ngang isinasama ako roon, pero papunta naman ako sa San Diego para sa kick-off show sa Sycuan Casino ng FPJ’s Ang Probinsyano group ni Coco Martin kung saan ay kasama rin si Jodi Sta. Maria. Sabay kasi ‘yon ng Oct. 1 (bukas pa ng 11:00 a.m. sa atin).

Excited ako na i-cover ang FPJ’s Pasasalamat Tour concert sa Sycuan Casino dahil si Ms. Cora Oriel ng Asian Journal ang kasama ko. Siya ang nakipag-coordinate kay Ms. Millie Gurfinkel ng Liberty Entertainment para makapag-cover ako ng show na ‘yon.

Eh, darating din doon si Atty. Michael Gurkinkel na sikat na immigration lawyer sa Amerika.

‘Yun na!

RAYMOND GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with