Khimo, Ryssi, Kice, Ann, at Bryan, tinuturing na blessing ang Idol Philippines

Idol PH.

Malaki ang pasasalamat ng Idol Philippines Season 2 Top 5 na sina Khimo Gumatay, Ryssi Avila, Kice, Ann Raniel, at Bryan Chong sa pinakamalaking talent reality show sa ginawang pagbabago nito sa kani-kanilang buhay.

Ani ng Idol PH Season 2 grand winner na si Khimo, “Idol Philippines’ was indeed a humbling experience and also a blessing po.”

Pagbabahagi niya na muntik na raw siyang hindi sumali ng kumpetisyon.

“Actually po, nung una hindi po dapat ako sasali ng Idol Philippines pero sa tulong po ng mga taong nakapaligid po sa’kin na mag-push po talaga na sumali dito. Ngayon po, I’m beyond thankful po na sumali po ako rito sa Idol Philippines,” dagdag niya.

Naging susi naman ang kumpetisyon kay Ryssi para makilala siya ng mga tao higit pa sa mga binatong kontrobersiya sa kanya.

“Nabago po ng Idol ‘yung buhay ko kasi sila ‘yung nagbigay sa akin ng chance na ipakita ‘yung talent ko sa mga tao at iyon ang tingnan nila at hindi ‘yung mga controversy na nagdaan sa buhay ko,” sabi niya.

Bukod sa mga natutunan, mas napalapit si Kice sa kanyang mga minamahal dahil sa kumpetisyon.

“‘Yung family ko from all over the world, they connec­ted even mga family members ko na hindi ko kilala, naglalabasan lang because they watch me,” pagbabahagi niya.

Para naman kina Ann at Bryan, mas nakakuha sila ng kumpiyansa para ipagpatuloy ang galing sa pagkanta dahil sa kumpetisyon na nagtiwala sa kani-kanilang talento.

Nitong Linggo (Set. 25), nasaksihan ng manonood ang unang pagtapak ng lima sa stage ng ASAP Natin To.

Available na rin sa Spotify ang original songs ng Top 5 na My Time ni Khimo, Totoo Na ‘To ni Ryssi, Angels ni Kice, Sa Wakas ni Bryan Chong, at  Power  ni Ann Raniel.

Show comments