Maja Kapamilya na ulit, leading lady ni Richard sa Iron Heart!

Noong isang araw after Sarah Lahbati’s contract (renewal) signing with Ms. Anna Magkawas na owner ng Luxe Skin and Luxe Slim, may isang taga-ABS-CBN ang inusisa siya tungkol sa Iron Heart project ng mister niyang si Richard Gutierrez.
Nasa Cebu kasi si Richard at naka-lock-in para sa Kapamilya Network series na ‘yon.
Actually, kumalat kasi sa social media ang tungkol doon at buking na nga na kasama roon si Maja Salvador, bukod pa kay Sue Ramirez.
Sabi ni Sarah sa taong nagtanong, “Secret pa, ‘di ba?! Hindi puwedeng magsalita tungkol doon.”
Sagot naman ng taga-Kapamilya Network, “Kausap ko si Ma’am ____ (pangalan ng isang top executive ng ABS-CBN), puwede na raw pag-usapan.”
Pero siyempre, bukod sa inamin ni Sarah na nasa Cebu nga si Richard for his lock-in project, hindi na siya nagkuwento pa.
Pero tama nga na approved na ng big bosses ng Kapamilya Network na i-announce na kasama roon si Maja dahil may mga netizen nang nag-post ng tungkol doon, kaya naman pati si Richard ay nag-post na rin sa kanyang Instagram story kahapon ng umaga.
“Soon on primetime.”
Pinost din ‘yon ni Sarah sa kanyang IG story at sinabing, “Can’t wait for this (with heart emoji). Congratulations @richardgutz & @maja!”
Actually, pati si Ruffa Gutierrez ay pinost din ‘yon sa kanyang IG story at sinabing, “Excited for this upcoming Kapamilya project!”
Anyway, ang Iron Heart nga ang pinagkakaabalahan ngayon ni Richard at second week na niya ito na naka-lock-in.
Hindi ko nga masyadong nakakausap si Richard lately dahil sobrang busy siya sa nasabing project.
Pero kahapon, nagka-chat naman kami at nag-sorry pa nga dahil aniya ay busy talaga siya sa lock-in taping kaya’t hindi siya kaagad nakasagot.
“Lahat ng eksena sa taping, kasali ako. Walang pahinga. Pero, okey lang. Ginusto ko ito. Hahaha.”
Actually, tutok talaga si Richard sa bago niyang Kapamilya teleserye dahil bago pa ‘yon sinimulan ay ilang beses ding ni-revise ang script no’n.
Pero ang maganda, Ateng Salve, sobrang excited ang fans sa teleseryeng ‘yon na hudyat din ng pagbabalik ni Maja sa ABS-CBN.
Bongga nga si Maja dahil may comedy show siya sa TV5, may Eat Bulaga sa GMA 7 at ito ngang Iron Heart ng ABS-CBN ay kasama siya.
Nakaka-happy lang!
At siyempre, nakaka-happy rin na ang saya ng fans na magkapareha sina Richard at Maja, huh!
So bongga. ‘Yun na!
- Latest