Dahil kay Typhoon Karding, na-move ang alis sana kahapon nina Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago at iba pang mga kasama nila pa-Los Angeles, California para sa FPJ’s Ang Probinsyano: Pasasalamat Tour USA concert na ang kick-off show ay sa Sycuan Casino sa El Cajun (San Diego) on Oct. 1.
Kuwento ng source ko, ngayon pa lang daw makakaalis ang grupo nina Coco at Jodi.
Bale may shooting din sila ng 2022 Metro Manila Film Festival official entry nila na Labyu with an Accent.
Tinanong ko nga ang manager nina Coco at Jodi, si Biboy Arboleda kung tama ang kuwentong nakarating sa amin at nag-yes naman siya.
Bale kasama rin si Mother Biboy (paboritong tawag sa kanya ng mga kaibigan) nina Coco, Jodi at iba pa na aalis today. “Kasi, ‘di ba ang daming flights na cancelled dahil sa typhoon, kaya pati ‘yung pag-alis namin na-move. Pero tuloy kami bukas ng mga ‘anak’ kong sina Coco at Jodi at iba pang mga kasama namin,” sey pa ni Mother Biboy.
So, ayan, tuloy na tuloy sila at ang bongga dahil ‘yung tickets para sa kanilang kick-off show sa Sycuan Casino ay talaga namang mabiling-mabili.
Super happy nga raw ang executive producer nilang si Ms. Millie Gurfinkel dahil ang ganda ng feedback sa show ng FPJ’s Ang Probinsyano group.
Chika sa akin ng isang may kinalaman sa show na ‘yon, malapit na raw silang mag-sold out.
For sure, Ateng Salve, kapag nakita ng mga kababayan natin sa California na dumating na roon ng Wednesday sina Coco, Jodi at iba pa ay mag-uunahan na sila sa iba pang tickets na natitira, huh!
Bongga!
Annabelle, ayaw ipagsabi na 70 na!
Maaaliw ka kay Annabelle Rama.
Sinabihan kasi niya akong huwag ko nang isulat na 70 years old na siya sa Oct. 31.
May advance birthday event siya at nag-i-invite na siya.
Isa sa mga invited niya ay si Senator Bong Revilla.
Nang tawagan siya ng actor-politician, ang dialogue niya ay, “Bong, don’t forget my birthday party, ha! Seventy years old na ako.” Nang matapos silang mag-usap, sinita ko talaga si Bisaya.
“Akala ko ba ayaw mong sinasabi na magse-70 ka na? Bakit kay Senator Bong, ikaw pa mismo ang nagsabi?!” Natawa na lang si Bisaya.
‘Kaloka, huh! ‘Yun na!