^

PSN Showbiz

Marcus Adoro ng E-Heads humingi ng '2nd chance' matapos isyu ng pang-aabuso

James Relativo - Philstar.com
Marcus Adoro ng E-Heads humingi ng '2nd chance' matapos isyu ng pang-aabuso
Litrato ng Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro, na siyang kontrobersiyal ngayong nadidiin sa isyu ng pagmamaltrato ilang buwan bago ang kanilang reunion concert
Mula sa Instagram account ni Marcus Adoro

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad si Eraserheads guitarist Marcus Adoro sa kanyang pamilya, mga kabanda atbp. para sa gulong kanyang idinulot kaugnay ng "pagmamaltrato" niya sa anak at dating partner, bagay na pumutok bago ang kanilang December reunion concert.

Ngayong buwan lang kasi nang malagay sa kontrobersiya si Adoro matapos magsalita uli ang anak niyang si Syd Hartha at noo'y karelasyon ni Adoro na si Barbara Ruaro habang ipinaaalala ang pambubugbog at verbal abuse daw ng tanyag na '90s OPM rockstar.

"Syd, san ka man, I hope you're doing well. As you already know, I'm far from perfect kaya normal if you want nothing to do with me," wika niya sa isang Instagram post, Lunes.

"Sana lang magkaroon ng second chance for redemption. I'm sorry for the ruckus I may have caused my family, the public, the sponsors and my bandmates. Pasensya na."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Punk Zappa (@marcusadoros)

Taong 2019 pa noong unang isiwalat ni Syd and aniya'y pang-uumpog sa kanya sa pader ng kanyang ama sa tapat ng ibang tao at masamang trato sa kanya, bagay na pinag-usapan nang husto noon online.

Noong panahon ding 'yon ay naglabas si Ruaro ng kanyang mga litrato kung saan puno ng pasa ang kanyang mukha, na siyang ginawa raw ng taong mahal niya.

 

Una nang nagsalita ang mga kabanda niya sa ngayo'y disbanded nang E-Heads, habang ipinapaliwanag ang kanilang panig sa isyu ni Adoro at kung bakit nila tinanggap ang naturang project kasama ang nabanggit.

Sinabi ng kampo ng bokalistang si Ely Buendia na pumayag lang siya sa pangakong reresolbahin ni Marcus ang problema sa anak at dating karelasyon, habang hinihiling naman ng kanilang drummer na si Raimund Marasigan ang pareho habang nirerespeto ang privacy ng lahat ng panig.

Nagpakita naman ng direktang pagsuporta kina Syd at Barbara ang bahistang si Buddy Zabala, habang ipinaliliwanag na akala niya'y naayos na ang gusot. Tali raw ang kamay ng Eraserheads kung tatanggalin si Marcus sa reunion gig pero hinikayat ang lahat na magsalita laban sa anumang pang-aabuso.

"I've lost contact with my daughter for years now. Recently, I've tried to reach out to her through her manager, but I'm not sure if my messages are getting through. So I'm making this post," dagdag pa ni Adoro sa kanyang IG post.

Nagpasalamat naman si Adoro sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa sining ng E-Heads, habang hinihikayat ang lahat na panuorin pa rin ang kanilang reunion: "Alay po sa ating lahat ito."

Marami nang fans online ang nagsabing iboboykot nila ang naturang reunion concert dahil sa isyu ni Adoro, habang ang ilan naman ay iminungkahing tanggalin na lang ang "abusadong" gitarista sa December concert.

ABUSE

BUDDY ZABALA

CONCERT

DOMESTIC ABUSE

ELY BUENDIA

ERASERHEADS

MARCUS ADORO

RAIMUND MARASIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with