^

PSN Showbiz

Vhong, nakakapanghinayang!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vhong, nakakapanghinayang!
Vhong Navarro.

Nakakaawa aside from nakakahinayang ang nangyari kay Vhong Navarro. Isang malaking aral sa stars natin. Kailangang maingat sa mga desisyon.

Single si Vhong nang maganap ang sinasabing insidente ni Deniece Cornejo. Pareho silang young and available, kaya puwede naman sigurong sabihin na baka mutual ang feeling nila noon sa isa’t isa. For whatever reason sana hindi humantong sa ganitong pangyayari ang lahat. Sana naging maayos at maganda ang naging pag-uusap.

Ang laking bagay ang mawawala kay Vhong Navarro. Nasa itaas ang kanyang career sa kasalukuyan, masaya ang kanyang private life, pero heto nga, nangyari ang hindi inaasahan. Sayang dahil kahit ano pa ang sabihin mas malaki ang mawawala kay Vhong. Kung anuman ang relasyon o nagawa niya noon, ibang Vhong Navarro na ngayon. Masaya na ang buhay niya sa sariling pamilya. At kung kelan tahimik saka dumating ang ingay na ito.

Kahit ano pa ang mangyari, sana naman maayos ito. Kawawa naman ang pamilya ni Vhong na umaasa sa kanya.

 Sana naisip din ng marami kung ano na ngayon ang mangyayari sa pamilya ni Vhong. At sana rin maayos ang lahat, sabi nga, eveyone deserves a second chance in life, at isa si Vhong Navarro sa dapat bigyan nito.

Panonood ng Koreanovela, panggulo

Nagugulo ang sinusulat ko talaga dahil habang nagti-text ako nanonood ako ng Koreanovela.

Sinusundan ko ang Gold Mask at It’s Beautiful na magkasunod ang labas sa KBS World channel ng Sky Cable. Kaya tuloy hindi ko matapus-tapos at nalilimutan ko kung ano ang sinusulat ko.

Naulit na naman ang addiction ko sa Koreanovela. Kainis dahil ang sinusundan kong series kaya watch ako everyday, naku, isang malaking distraction kaya bawas yaman, hah hah.

Pati tawag or text hindi ko pansin dahil sa panonood.

Kaya tuloy hindi ko na naman mapansin ang mga arte ni Bea Alonzo, hah hah. Na ewan ko ba at parang mukhang nanay ni Yasmien Kurdi sa Start-Up PH at Lola Bea ni Alden Richards. Dapat na nga balik-Bea Alonzo ako para mas exciting, at hindi na maisip ni Chito Roño case ni Vhong Navarro, hah hah hah.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with