Bongga talaga si Heart Evangelista. Sure ako maraming inggit sa pagrampa niya sa Paris at kung saan-saan pa.
Talagang iba ang style ni Heart sa pagdadala ng damit, make up, at lahat.
Very expensive ang kilos at aura niya. Very classy, talagang mukhang galing sa isang magandang pamilya.
Ang ganda niya magdala ng mga signature na gamit. Hindi trying hard, hindi iyon tipo na ‘hoy branded ito.’ Very casual kung dalhin niya na para bang isa lang regular na gamit.
Iba talaga ang breeding, sosyal na sosyal. Kaya naman kahit ano pang sabihin, lagi siyang one step higher.
FEU hospital, top of the line ang serbisyo
Araw na naman ng dialysis ko kahapon.
Matagal ko nang gustong isulat ang FEU Hospital at ang medical staff nila.
Mula nang magkasakit ako, na-confine at hanggang ngayon na out patient na ako, talagang nakita ko ang consistency ng service nila. Pantay-pantay ang tingin nila sa lahat ng pasyente, alert at mabilis ang service ng medical staff, mabait at very polite lahat ng tao sa FEU Hospital.
Isa pang bagay na nakadaragdag sa paghanga ko, iyon mga medical student na magiging mga future doctor at nurse. Talagang sila ang future ng medical world.
I feel very safe inside the hospital. I feel very safe in the hands of the medical team. I feel so grateful na sa FEU Hospital ako nadala ng magkasakit ako. Dahil nabigyan ako ng top of the line na service at technology.
Special thank you rin siyempre kina Dr. Florante Munoz, Dra. Rowena Linga, at Dra. Nema Evangelista.
Salamat po. Talagang inaalagaan ninyo ako.