^

PSN Showbiz

Vhong Navarro ikinulong na rin ng NBI sa kasong rape, 'walang piyansa'

James Relativo - Philstar.com
Vhong Navarro ikinulong na rin ng NBI sa kasong rape, 'walang piyansa'
Vhong Navarro confers with his lawyer after he surrendered to the National Bureau of Investigation in Quezon City yesterday.
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Matapos mahainan ng warrant of arrest sa kasong "acts of lasciviousness," inilipat na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Vhong Navarro sa hiwalay na reklamong panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo.

Lunes nang boluntaryong sumuko ang komedyante sa NBI matapos maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Court para sa naunang warrant na may recommended bail na P36,000. Pero walang piyansa ang ikalawa niyang kaso.

"In the morning of September 19, 2022, the actor, together with his counsels appeared before the NBI, Vtech Tower, G. Araneta Avenue, Quezon City to voluntarily submit himself to the custody of the NBI. He was thereafter processed as per the Bureau’s standard operating procedure," ayon sa NBI sa isang pahayag, Martes.

"In the afternoon of the same day, another Warrant of Arrest for Rape, with no bail recommended, was issued against Vhong Navarro by the Regional Trial Court Branch 69, Taguig City."

Agosto nang iutos ng Court of Appeals na pormal nang pakasuhan ng rape at acts of lascviousness ang aktor kaugnay ng complaint ni Cornejo, na aniya'y nangyari noong ika-22 ng Enero taong 2014.

Una nang sinabi ng abogado ni Vhong na si Alma Mallonga na si Vhong talaga ang biktima nang bugbugin daw ang huli at subukang kikilan ng grupo nina Cedric Lee. 

Wala raw katotohanan na may panggagahasang nangyari lalo na't nakita pa nga raw na ngumingiti si Cornejo sa isang CCTV footage.

"'Yun nga ang nakakalungkot. Kasi for how many years, akala namin nina attorney tapos na. Patapos na. Kaya nagulat kami after ilang years, parang, ito uli. Nabuhay," sabi ni Vhong sa hiwalay na panayam ng media.

"At parang ako pa 'yung nababaliktad... ako 'yung biktima. So parang ang hirap paniwalaan. So ako, mula noong 2014, inilahad ko 'yung lahat ng nangyari. Wala akong binago. Sinabi ko lahat. Alam ng Panginoon 'yon na nagsasabi ako ng totoo."

Sumailalim na raw sa antigen test ang aktor at nagnegatibo sa COVID-19 at na-turn over na ngayong araw sa NBI-Security and Management Section para sa detention.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAPE

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with