MANILA, Philippines — Binasag na nina Syd Hartha at Barbara Ruaro — anak at dating partner ni Eraserheads guitarist Marcus Adoro — ang kanilang pananahimik matapos ianunsyong magkakaroon ng reunion concert ang sikat na '90s rock band bago matapos ang 2022.
Lunes kasi nang ipaskil ng E-heads members na magkakaroon sila ng pagtatanghal sa Disyembre. Kasama si Marcus sa litrato, dahilan para mag-trending uli ang "pambubugbog" diumano ng gitarista sa kanyang anak at dating karelasyon.
Related Stories
"Salamat sa mga di nakalimot," wika ni Syd Hartha kahapon, na isa ring musikera.
salamat sa mga di nakalimot????????
— syd hartha (@sydhartha) September 19, 2022
Setyembre 2019 lang nang magsalita noon si Syd patungkol sa "pang-aabuso" noon ni Marcus, kabilang na riyan ang pang-uumpog daw sa kanyang ulo sa pader kahit kaharap ang kanyang mga kaibigan.
Noong mga panahong 'yon lang daw luminaw sa kanya ang lahat kung bakit inilayo siya sa OPM icon ng kanyang ina at mga kamag-anak.
"Thank you. THANK YOU. Thank you to every single person who chose not to turn a blind eye. Thank you for praying with us and for us," wika naman ni Ruaro sa hiwalay na paskil.
"Thank you for making sure that we feel your massive support, whether we know each other personally or not. Justice belongs to The Lord. @sydhartha"
Thank you. THANK YOU. Thank you to every single person who chose not to turn a blind eye. Thank you for praying with us and for us. Thank you for making sure that we feel your massive support, whether we know each other personally or not.
— Barbara Ruaro (@bieruaro) September 19, 2022
Justice belongs to The Lord. @sydhartha
Setyembre lang din noong 2019 nang ibahagi ni Barbara ang ilang litrato kung saan punong-puno siya ng pasa.
Aniya, domestic violence daw ito na ginawa sa kanya ng tanging mahal niya.
Oktubre lang noong taong 'yon nang sabihin ni Ruaro, sa isang paskil na burado na, na nais siyang "patahimikin" ng kampo ni Adoro.
Wala pa rin namang inilalabas na pahayag si Marcus kaugnay ng mga paratang sa kanya sa ngayon.
Taong 2020 naman nang ikansela ang isang local art show matapos mabanatan ng ilang netizen dahil sa pag-feature kay Adoro.
"Overwhelmed. Humbled. Words escape me. We are incredibly blessed and fortunate to receive such tremendous support from you all. To be frank, I personally did not expect many of you to remember, simply because of how the world has turned upside down," dagdag pa ni Ruaro ngayong Martes.
"And how I’ve witnessed people choose idolatry over integrity, power over principle. Thank you for the bravery, the compassion, and the astounding kindness, which will remain with us moving forward."
And how I’ve witnessed people choose idolatry over integrity, power over principle.
Thank you for the bravery, the compassion, and the astounding kindness, which will remain with us moving forward.— Barbara Ruaro (@bieruaro) September 20, 2022
Wala naman daw siyang galit sa kanyang puso, ngunit umaasa raw siyang may darating na positibo mula sa mga nangyari.
Kilala ang Eraserheads para sa mga awiting "Huling El Bimbo," "Magasin," "Alapaap," atbp., at binubuo ng mga miyembrong sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.