Ysabel promising, may potential maging next important star

Ysabel
STAR/ File

Bakit parang very excited ang lahat sa tambalan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Kahit nga ang kasama nila na si Tonton Gutierrez na papapel na isang mahigpit na ama excited sa dalawa na nakitaan daw niya ng malakas na chemistry.

Ang hinahanap ni Tonton ay si Robert Ortega na matagal na namin hindi nakikita. Siguro abala si Robert sa political career ng misis niya.

Anyway, mukhang magiging important star ng GMA 7 si Ysabel pagkatapos nitong palabas na What We Could Be dahil maganda at very talented talaga siya. Plus the fact na very professional at masunurin kaya mahal ng Artists Center.

Isa pang big break ang kailangan para makita ng lahat kung ano ang puwedeng i-offer ni Ysabel sa manonood.

Kaya nga sabik ang lahat sa airing ng Voltes V dahil kasama sa mga bida si Ysabel.

At dahil mukha nang old maid si Bea Alonzo, mas babagay na sa young leading men ngayon ang young female stars na gaya ni Ysabel.

Kaya bantayan n’yo ang pagsikat ni Ysabel Ortega.

Sugat…, kinasasabikan na

Siguro sobra ang nerbiyos na ni Bambbi Fuentes, Salve. Kasi nga malapit na showing ng Sugat sa Dugo at tiyak na gusto niyang makita ang tagumpay nito para matupad ang dream niya na magkaroon ng 2nd project.

Marami naman ang nagustuhan ang Sugat sa Dugo gaya mo, Salve, na puring-puri na ang ganda ng pelikula. For newcomers, ok naman ang performance ng mga alaga ni Bambbi na Gandara. At to be honest, mukha namang mababawi ni Bambbi ang puhunan para makagawa ng next project. Sana nga sa next project kahit cameo roles makasama ang big stars na friends ni Bambbi tulad nina Marian Rivera at Gelli de Belen, pati si Ruffa Gutierrez. Magiging malaking tulong iyon para sa kanyang susunod na ipo-produce.

Good luck sa Sugat sa Dugo, at more more for Bambbi Fuentes. Ngayon mukhang lalo pang gaganda ang kanilang career, ‘di ba, Salve at Gorgy.

Show comments