Kung anu-ano nang tsismis ang kumakalat tungkol kina Senador Chiz Escudero at Heart Evangelista, pero officially sino man sa kanilang dalawa ay wala pa ngang sinasabi tungkol sa issue na hiwalay na sila.
Hindi mo rin malaman kung saan nakukuha ng ibang vlogger ang kanilang pinagsasabi, at alam naman natin kung bakit malalakas ang loob ng mga iyan, hindi sila kilala kaya mahirap silang idemanda.
Medyo seryosong subject ang paghihiwalay ng mag-asawa, na hindi dapat agad na bulatlatin sa publiko.
Hindi ninyo maidadahilang public property sila eh, dahil ang pinag-uusapan ay hindi naman tungkol sa career ni Heart o panunungkulan ni Senador Chiz. Kaya kung tutuusin, iyan ay pribado pa rin.
Bakit hindi natin hintaying sila ang magsalita para mas maliwanag.
Dennis, isinisiksik ang sarili sa mga anak?!
“Noong malakas pa ang kita ko bilang artista, sino ba ang nagsustento sa inyo? Saan ba napunta ang kinita ko, hindi ba sa inyo rin. Dahil gusto kong maging maganda rin ang inyong buhay,” ang punung-puno ng paghihinanakit na naging sagot ni Dennis Padilla sa mga sinabi ng anak na si Julia Barretto sa interview noon kay Karen Davila.
May sinabi pa diumano si Julia na noong maliit pa siya, napakarami niyang pangarap na hindi natupad dahil wala silang pera. Isinumbat na rin ni Dennis kung gaano kasakit sa kanya nang ang mga anak niya ay ipaalis na sa lahat ng kanilang mga pagkakakilanlan ang kanyang apelyidong Baldivia, at ginawa iyon sa pamamagitan ng isang court action.
“Pero noong maliliit pa kayo, hindi ba ginamit din ninyo ang pangalang iyon, pati na si Dani,” sabi pa niya. Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi, pero hindi naman sila nagsama at ang naging asawa nga ni Marjorie ay si Dennis.
Sinabi rin ni Dennis na one-sided ang interview ni Karen dahil hindi man lang kinuha ang kanyang panig, bago inilabas ang interview ni Julia laban sa kanya. Mukhang matindi na ang hinanakit ni Dennis, dahil sa naririnig daw niyang sinasabi ni Julia at ng iba pa niyang anak na “magaganda ang kanilang lahi,” na obviously ang gustong tukuyin ay ang hitsura ng mga Barretto.
Kung kami naman si Dennis Padilla, nagawa na nga ang lahat sa kanya eh. Inalis na nga ang kanyang pangalan, na para bang inalisan na rin siya ng karapatan bilang ama nila, dapat huwag na lang siyang kumibo.
Kung ano man ang sabihin ng kanyang mga anak, hayaan na lang niya ang publiko ang humatol. Isa pa, hindi niya dapat kalimutan na mayroon pa namang Diyos na nakakaalam ng lahat.
Bading na news personality, ‘di matanggap na basted sa poging singer
Ang lakas ng tawa namin sa narinig naming tsismis. Isang news personality na kung pakikinggan mo ay masyadong moralista at nagmamatuwid ang may itinatago rin pala. Siyempre sa harap ng camera hindi niya ipapahalata iyon, “pero sa newsroom alam ng lahat na bakla siya,” sabi ng aming source.
“Katunayan niligawan na iyong isang singer na nanalo sa isang singing contest sa telebisyon. Ang nakakatawa, hindi niya alam na ang poging singer ay may “sponsor” na isang mayamang gay businessman. Hindi siya pinansin. Ang tagal na pinag-usapan iyon na busted siya, at hindi niya matanggap iyon,” sabi pa ng aming source.