May nababanggit ng pangalan ng babae na idinadawit sa nababalitang hiwalayan ng isang power couple nang pinagsamang politics at showbiz. Diumano, lawyer din ito at provincemate pa raw ng politician. Nakakaloka dahil pati edad at kung kailan nag-graduate ang babae, alam na, pero kailangan munang kumpirmahin bago isulat para iwas demanda.
Pati ang sinasabing male model na inili-link sa babae, natukoy na rin at may nakakuha pa ng litrato nito na ipagtataka mo kung saan nila nakuha. Pero, hindi raw ito Italian gaya ng nababalita, kundi Mexican.
O, ‘di ba, pati ‘yun alam ng netizens, but again, hindi natin puwedeng isulat, maghintay na lang tayo sa mga susunod pang magaganap dahil siguradong may mga susunod.
Karla gaya-gaya kay Ruffa, bumalik din sa pag-aaral
Gaya ng kaibigang Ruffa Gutierrez na bumalik sa pag-aaral hanggang maka-graduate, balik-pag-aaral na rin si Karla Estrada.
Marami ang masaya at proud sa kanya sa kanyang ginawa at kinongratulate siya.
“Nothing is too late when you put your heart into it. Masaya po ako na ipagpatuloy ang aking pag-aaral through Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) of Philippine Christian University.
“Hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ito. Kaya sa mga gusto pang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at makakuha ng degree, hindi pa po huli ang lahat. Maraming Salamat po sa office of the Speaker of the House for this opportunity. Laban tayo pra sa mas magandang kinabukasan.”
Gina, pinagdudahan ang sarili
Lola nina Ina (Yasmien Kurdi) at Dani (Bea Alonzo) at lola-lolahan ni Tristan (Alden Richards) ang role ni Gina Alajar sa Start-Up PH, pero kahit magaling na aktres, nagduda pa rin si Gina kung kaya niyang gampanan ang role ni Lola Joy sa series.
Tinanong daw niya ang kanyang sarili kung magagawa niya ang acting na ginawa ng Korean actress na gumanap sa kanyang role sa original version nito. “I must admit, nahirapan ako noong una. Napanood ko ang K-drama noong 2020 pa at natatandaan ko pa ang ilang eksena. Kinabahan ako dahil iba na ang dynamics ngayon. Inisip ko rin kung gagayahin ko ba ang acting ng Korean stars na gumanap sa role ko dahil hahanapin ‘yun ng mga nakapanood. Sinunod ko ang Filipino emotion natin kung mahaharap sa mga sitwasyon na hinarap ng karakter ko. Thankful ako na sa akin napunta ang role ni Lola Joy,” sabi ni Gina.
Kuwento ni Gina, nang pinagsa-submit sila ng photo sa sub-committee, nag-effort siyang maghanap ng green apron at bandana na gamit ng Korean actress sa original version ng series para maging in character na siya at wala ng bawian pa.
“I’m so proud of this cast, I’m so proud of the show at maganda ang show namin,” pahayag ni Gina.
Dennis, tinawag na duwag sa pagbura ng post
Kinakantyawan ng netizens si Dennis Padilla, duwag daw ito dahil dinelete sa Instagram ang post niya tungkol sa interview ng anak na si Julia Barretto sa vlog ni Karen Davila. Apat na post ang dinelete ni Dennis na hindi na rin namin mahanap nang balikan namin ang kanyang IG.
Isa sa post ni Dennis na deleted na sa IG niya ay ang “Nung pinatatanggal nyo apelyido ko... Humingi ba kayo ng apology???” ang isa pang post, “You make me look useless... Sobra ka naman” at “Ako ang dapat takbuhan mo Julia... I defended you pero nagalit pa kayo sa akin... Sobra kayo... Ano etong mga kwento kay Karen??? “
Pati ang hindi pagbanggit ni Julia sa ama ni Dennis at lolo nilang si Dencio Padilla.
Hindi man lang nabanggit ni Julia sa interview ni Karen.
“Si Dencio Padilla aka Esteban Baldivia... Lolo mo yan... sya owner ng apelyedo natin Julia Claudia at leon... Pati si Dani ginamit yan nung maliit pa sya... Pati sa school... fyi po,” at tinag ang mga anak.
Nag-request si Dennis kay Karen na interbyuhin din siya para marinig ang side niya at sumagot si Karen na tinext na niya si Dennis. Hintayin natin ang magiging interview kay Dennis at kung magre-react naman si Julia. Kung sasagutin ni Julia ang interview sa ama, hindi matatapos ang isyu sa mag-ama.