Netizen, nailigtas ang lolo dahil sa F.A.S.T method ni Kathryn!
Grabe ang pasasalamat ng netizen na si Camille de Chavez matapos niyang makumpirmang na-stroke ang lolo niya at naitakbo sa ospital nang magamit niya ang ginawang F.A.S.T method ng karakter ni Kathryn Bernardo na si Ali sa 2 Good 2 Be True.
“Nagpapasalamat kami sa lahat ng bumubuo ng show kasi nakatulong po kayo. Hindi lang siya nakaka-entertain ng tao, natulungan niyo kami na maaksyunan agad ‘yung nangyari sa kanya,” banggit niya ng pasasalamat na kumalat agad sa social media kahapon.
Ayon sa kanyang kwento, “Nada?a namin siya sa ospital noong September 5 nang malaman namin na na-stroke siya. Ginamit ko kasi ‘yung F.A.S.T method at noong nakita ko ‘yung signs dinala na namin siya. Naka-confine naman siya agad. Nakalabas lang siya last Friday (Sept. 9) at ongoing pa rin ‘yung checkups niya.”
Ang nasabing F.A.S.T method nga raw ay makakatulong sa pag-alam ng sintomas ng stroke tulad ng facial drooping, panghihina ng braso, at speech difficulty.
Nagpaabot naman ng mensahe sina Kathryn at Daniel Padilla kina Camille at Lolo Esing at nagpadala naman ng fruits at letter ang mga bumubuo ng hit primetime show.
Ani ni Kathryn, ang mga tulad ni Camille ang dahilan kung bakit pinagbubuti nila ang paggawa ng palabas. “Noong una ko siyang nakita sobra akong na-touch kasi ‘yun naman ang gusto naming mangyari sa lahat ng shows namin sa ABS-CBN – ang makatulong at maging helpful ‘yung ginagawa namin,” komento ni Kathryn.
Samantala, labis na kinakiligan ng manonood ang episode nitong Biyernes (Setyembre 16) nang naging opisyal na magkasintahan sina Ali at Eloy (Daniel).
Napigilan nga ni Ali ang pag-alis nina Eloy at Fred nang kinausap ng dalaga ang ama ni Eloy. Dumagdag pa ang nalaman nilang may nag-aabang na sa kanila sa Bicol.
Ngayon hindi natuloy ang alis ni Eloy, ano naman kaya ang mga balak gawin ni Helena (Gloria Diaz)?
In all fairness, laging no. 1 ang 2 Good 2 Be True sa Netflix Philippines o iWantTFC at nakikipaglaban talaga siya sa ilang Korean drama.
- Latest