Tuloy ang magandang takbo ng career ng Gen Z Pop Star na si Zephanie.
Almost half a year pa lang siya bilang Kapuso pero ito at dire-diretso ang kanyang trabaho.
“Ang bilis po talaga ng panahon. I think so far po ang highlight ng journey ko bilang isang Kapuso ay ‘yun po talagang pagiging part ng All-Out Sundays. Nagsimula ang journey ko sa pag-perform at pag-share ng talent ko. And I’m also able to explore. ‘Yun po ‘yung lagi kong nare-realize na nakakapag-explore po ako ngayon sa iba’t ibang fields or like sa pagpe-perform ko,” pahayag ni Zephanie sa mga pangyayari sa kanya ngayon.
Kumpisal din niya, bukod sa pagkanta, gusto rin niyang subukang umarte. “I’m really open po and siyempre naniniwala ako na marami pa po akong kailangan matutunan pagdating sa pag-arte. Isa po kasi ‘yan sa mga kinakatakot ko nung bata ako dahil sobrang mahiyain po ako. Pero ngayon po na nandito ako and nakikita at nakakasama ko po ‘yung ibang actors, parang very interesting po ‘yung acting field. So if ever po na mabibigyan ako ng chance na magkaroon ng teleserye, talagang buong puso ko pong tatanggapin ‘yun.”
Samantala, hopeful siya sa kanyang paparating na album, “Sa album po, yes we are working on that na po. New music po, maybe new style and ngayon po naghahanap na kami ng iba’t-ibang songwriters para matulungan kaming mabuo itong susunod ko pong album. So I’m really excited po na ma-release ‘yung mga song na ‘to, at ma-share po sa inyong lahat.”
Sa kasalukuyan ay mainstay siya sa weekend variety show na All-Out Sundays kung saan talagang pinakikita niya ang kanyang power vocals bilang isa sa mga diva sa Queendom.
Siya rin ang kumanta ng theme songs ng Tunay Na Minamahal para sa Afternoon Prime drama series na Apoy Sa Langit at Kaagapay para sa natapos na teleseryeng Bolera.
Ang kanyang latest single na Luv Is, na kanyang collaboration sa Ppop boy group VXON, ang siyang official theme song ng upcoming romance series Luv Is: Caught In His Arms.