Kasama si Sharon Cuneta sa ASAP Natin ‘To in Las Vegas on Nov. 5 at akala ko ay magtutuloy na sila ni Regine Velasquez-Alcasid sa second leg ng kanilang Iconic US Tour at isasama na rin ang Canada, pero hindi pa raw muna.
Ayon kay Ms. Nancy Yang na promoter ng Iconic, medyo gahol daw sa oras, kaya hindi muna tuloy ang second leg nila sa November.
Bale bukod sa ASAP Natin ‘To in Las Vegas ay makikipag-meeting daw ang Megastar para sa isang international movie na gagawin niya.
Naku, tiyak na ikatutuwa ng mga fan ni Sharon ang international movie na ito.
Talagang very in demand pa rin ang Megastar.
Ang bongga!
Anyway, ang pinakamahal na ticket para sa ASAP Natin ‘To in Las Vegas ay $350, pero mabenta pa rin daw dahil karamihan sa mga gustong manood ay gustong malapit sila sa stage.
In fairness, mukhang mapupuno ang Orleans Arena na venue ng ASAP Natin ‘To in Las Vegas at maraming mga fan ng DonBelle love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang nakabili na ng tickets.
Sabi ng ilang DonBelle fans sa US na nakachikahan namin, marami raw silang manonood dahil kina Donny at Belle.
Nice!
Ogie, na-master na ang golf
Alam mo, Ateng Salve, ang hilig talaga ni Ogie Alcasid na mag-golf.
Actually, kahit nasa ibang bansa siya, always na may time siya na mag-golf with some friends.
Noong Friday, sobrang happy si Ogie dahil naka-score siya ng 76 at game of his life nga raw ‘yon.
Nang maka-chat ko siya sa Viber app, isa ‘yon sa napagkuwentuhan namin.
In fairness sa mister ni Regine, wala talaga itong kayabang-yabang dahil ang sagot niya sa akin ay, “Hoy, thank you, Jun. Tsamba lang today. Hehehe.”
Pero siyempre, sobrang happy si Ogie.
Actually, may mga lugar nga siya abroad na gustong mapuntahan dahil well known ang mga ‘yon sa pagkakaroon ng magagandang golf course.
Kamakailan nga, nag-champion din si Ogie at ka-partner niyang si Ryan Bang sa golf competition ng ABS-CBN.
‘Yun na!