Nobela ni Jose Rizal, gagawan ng makabagong version
Sana naman ay tututukan ng Kapuso viewers ang upcoming historical fictional portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra na tampok ang makabagong pagkukwento sa nobela ni Dr. Jose Rizal.
Ang narinig kong, magsisimula raw ito kay Klay na gagampanan ni Barbie Forteza, isang Gen Z na nursing student na gustong mangibang-bansa para magtrabaho. Isang araw, magigising at malalaman niyang napadpad siya sa mundo ng Noli Me Tangere ni Rizal.
Hanggang magtatagpo ang landas nina Klay at Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung saan makikita ang pagkakaiba sa ugali at kasanayan ng dalawang dalaga dahil sa kani-kanilang pinanggalingang henerasyon.
At doon na raw makikilala si Ibarra (Dennis Trillo) at ang iba pang karakter sa nobela na magtuturo sa kanya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan.
Abangan natin ito dahil kakaiba.
Imagine sina Maria Clara at Ibarra ang iba yatang kabataan ay nakalimutan na kung sino sila at kung ano ang papel nila sa ating kasaysayan.
‘Huwag isipin ang mga nega’
Siguro ang saya ng birthday month mo, Salve. Mukhang very busy ka sa lunch hopping sa rami ng gustong mag-blowout sa iyo para sa birthday mo.
Isang bagay ang hindi puwedeng itanggi, ang daming nagmamahal sa iyo dahil lahat nagtatanong kung saan ka puwedeng makita dahil meron silang ibibigay na regalo, hah hah, bongga.
Ang saya lang talaga ‘pag marami kang friends lalo pa ‘yung friends na talagang nasa tabi mo, thru thick and thin.
Kaya, Salve, make the most of your birthday, be happy and peaceful, only think of the best for the future.
Huwag nang isipin pa ang mga nega na hindi naman makakatulong para umangat ang buhay mo. Isipin mo lang ang mga bagay na maganda, i-erase ang mga pangit, at enjoy your birthday. The best gift, ‘yung lumalaking maganda at mabait si Aries, ang iyong trophy as a mother at jowa. Hahaha.
The best on your birthday.
- Latest